Chapter Twenty Four

782 27 34
                                    

"Mika! Sandali lang naman!"

"Mika, hintayin mo ko! Sumabay ka na sa akin!"

"Jusko talaga itong babaeng to, oo! Ano ba!"

Natauhan na lang ako ng may biglang humigit sa akin mula sa likuran. Patuloy sa pagpatak ang luha ko pero agad agad ko rin namang pinapalis iyon. Kita ko ang nangingilid na luha sa mga mata niya habang hawak hawak ako.

Si Mela. Tama. Si Mela nga. Bakit nga ba nagexpect pa ako? Siya lang naman ang taong nandoon kanina na may pakialam sa akin. Si Kim? Marahil ay nandoon siya para pakalmahin sila Cienne. At ayaw ko ng isipin pa ang mga nangyari kanina. Ayaw ko munang pag-usapan.

Pinahid ni Mela ang nangingilid na luha sa mga mata niya bago ako walang alinlangang niyakap. Agad kumilos ang mga kamay ko para yakapin rin siya.

"Miks, sorry. Sorry. Sorry. I didn't know. Kung alam ko lang sana ay pinilit kitang umalis. I'm sorry. Sorry." Bulong niya sa akin.

Hindi ko alam pero lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Why? Bakit siya nagsosorry? Ako ang dapat na magsorry sa aming dalawa! Dahil dinamay ko pa siya dito. Dahil nasali pa siya sa gulong to! Gustong gusto kong ibuka ang bibig ko dahil ayaw na ayaw kong may taong nagsosorry sa akin, lalo na at ganitong alam kong ako naman talaga ang dapat sisihin. Mas lalo lang akong nagu-guilty eh! Gustong gusto kong magsalita pero hindi na kinakaya ng sistema ng katawan ko.

Hindi na kakayanin pa ng katawan kong makipagusap at makipagtalo tungkol doon. My system is just so fucked up. So very fucked up because of them. Can't believe this... na mas may isasakit pa pala silang kayang iparamdam sa akin.

Everything is just so very clear to me now, tuluyan na akong napalitan ni Bang sa lahat. I don't want to sound like a pathetic jealous lady but hell yes! That's what I am feeling right now! After that!? After what happened? Kahit na alam kong ako ang nagsasabi ng totoo, hindi nila makita yun, ang nakikita lang nila ay si Bang. Lagi na lang si Bang.

Siguro nga.

Siguro nga ay ganoon na talaga kahirap para sa kanila ang tanggapin at paniwalaan pa ang lahat ng sinasabi ko. Okay, I get it. Sadyang hindi ko lang napigilan ang sarili ko kanina. Hindi ko na napigilan yung sakit na nararamdaman ko na magsalita para sa akin. That's what I truly feels. Yung inggit. Yung panghihinayang. Lahat. And I even felt that I am betrayed. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naiisip ko na mas pinaniwalaan nila ang drama ni Bang kesa sa mga sinasabi ko? I felt so betrayed. Kasi hindi ko man aminin ay meron pa ring part sa akin na umasang papaniwalaan nila ako.

Pero hindi e. They didn't even bother to ask her. Hindi man lang nila tinanong si Bang. Ako lang. Ako lang yung kinompronta nila. Ako lang yung pinagsabihan nila. Ako lang... Ako na nagsasabi ng totoo. Ironic, isn't it? Kung sino pa ang nagsasabi ng totoo ay siya pa ang napapasama. Siguro ay ganoon talaga. Siguro ay ganoon na kataas yung nabuild nilang trust kay Bang para pagsalitaan at pagsabihan ako ng ganoon.

Kumalas ako sa yakap ni Mela at pinanood siyang magpunas ng luha. That's the main reason kung bakit ayaw ko silang nadadamay dito, pati sila ay naaapektuhan at nasasaktan.

"Miks, tara na. Umuwi na tayo." Aya niya sa akin ng medyo mapakalma niya ang sarili.

Umiling ako. "Mauna ka na."

"Pero Mika! Maggagabi na, saka wala kang dalang kotse, diba? Halika na, sabay na tayo magcommute!" Pagpupumilit niya sa akin na agad kong tinanggihan.

"No, Mela. I just don't want to go home now. Besides, mag-isa din naman ako doon eh. Kaya maun--"

"Then I'll be with you! Ano ba, Mika. Let's go!"

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now