Chapter Eighteen

651 22 7
                                    

Hindi na nagtanong si Jeron at inihatid na lamang ako sa kwartong nakalaan para sa akin. Natulog na din ako agad pagkatapos nun, o kung tulog nga ba talagang matatawag yon. Maguumaga na kasi at hindi din ako mapakali, minsan matutulala at maiiyak, para na akong baliw.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Complicated lahat eh. Complicated na noon, pero dahil sa lintek na feelings ko para kay Ara, mas lalo lang gumulo ang lahat.

May girlfriend siya. Unang kita ko pa lang sa kanila ay sinampal na kaagad sa akin ang katotohanang iyon. Nasaktan ako, oo. Pero kasi hindi ko masyadong naconsider yung sakit na iyon dahil mas lamang sa akin yung pagpupursige para maibalik yung mga dating kaibigan ko. Ngayon, kung kailan medyo nagiging okay na, saka pa siya magsasabi ng kung ano ano. Na nakapagpaalala sa akin ng sakit.

Damn. I didn't know. Sobrang bilis kong mahulog ulit sa kanya. At naiinis ako sa sarili ko kasi hindi pwede. Hinding hindi na magiging pwede, yun ang pinaniniwalaan ko.

I promised myself na kahit pa mahal na mahal ko siya, na kahit pa namimiss ko siya, na kahit pa sobra sobra ang pagkasabik ko sa kanya --- hinding hindi na kami magiging pwede. Hinding hindi na siya babalik sa akin, at di na ako babalik sa kanya. Na kahit umaapaw ang pagmamahal ko sa kanya, hinding hindi ako manggugulo. Hinding hindi ako magsusumamo sa kanya para mangyari kami ulit.

And after that fucking convo, hindi ko na alam. Mas lalo lang nagiging masakit para sa akin ang lahat. Dahil habang nakikita ko siya, nadadagdagan lang ng nadadagdagan ang pagmamahal ko. Yung akala kong nawala ng feelings ko para sa kanya, natabunan lang pala ng sakit. Kaya heto ngayon, nagbabalik.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sobra sobra na naman ang pagoover think ko. Kung ano ano na naman ng naiisip ko. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin, magang maga ang mga mata ko. Siguro ay dahil na din sa pagiyak ko kagabi.

Nakaligo at nakabihis na ako, nakahanda na rin ang mga gamit ko dahil uuwi na kami mamaya. Napabuntong hininga na lang ako bago lumabas.

Nakasalubong ko pa ang ilang mga models na pinagtitinginan ako. Dahil na din siguro sa mga mata ko. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Pagkababa ay naabutan ko sina Jeron at Tita Air na naguusap ng masinsinan. Lumapit ako sa kanila. Nakuha ko ang atensyon nila kaya napatingin sila sa akin. I tried to smile. Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano ko pakikisamahan si Jeron pagkatapos ng mga nangyari. Well, I'll try to act normal, I guess?

"There she is!" Rinig kong sabi pa ni Tita Air.

Ngumiti lang ako.

"Kanina ka pa namin hinihintay." Mahinahon ang pagkakasabi ni Jeron.

I looked at him. He's trying to observe my actions. Maingat niya akong sunusuri gamit ang mga mata niya. Nang tumingin siya sa mga mata ko ay kumunot ang noo niya. Umiwas ako ng tingin.

Napansin niya siguro ang pamamaga. Well, I wish Jeron won't ask anything about it. Tutal nakita naman niya kagabi kung paano ako umiyak.

"As what I am saying last night, there's one businessman na magkakaroon ng launching sa clothing line nila. He wants you two na imodel yun." Tinuro niya kami.

Tumango ako.

"Kailan po yan, Tita?" I asked her.

"Next week. Konting pictorials lang naman and ilalagay yung billboard niyo sa may mall na pagaari din nila. I'll just update you about the other infos. For now, I need your answers."

Hindi na ako nagisip pa at agad tumango. This is what I need, diversion. Kailangan kong madivert ang atensyon ko sa ibang bagay. Kasi kung puro problema lang ang iisipin ko, walang mangyayari sa akin.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now