Chapter Six: Revealing The Past

934 30 2
                                    

Tinatamad akong bumangon sa kama dahil sa antok. Madaling araw na ng makatulog ako kagabi. Feeling ko tuloy ang laki laki na ng eyebags ko dahil ilang araw na rin akong puyat at halos walang tulog. Dahil na rin siguro sa kakaisip sa mga nangyayari sa paligid ko. Di ko alam kung nagooverthink lang ako but one thing is so sure about me. Hindi ko na hihintayin na maging handa ako. Hindi ko na hihintayin ang sinasabi ko noon na tamang oras. Dahil wala namang nakakaalam kung kailan ang "tamang oras" right? Paano pag dumating na pala yun pero wala kang nagawa? That realization hit me. It doesn't matter kung ready ka na ba or kung tama na ba yung panahon para gawin mo ang dapat mong gawin. The only thing that matter is yung nagtry ka. May nakapagsabi nga sa akin na "It is better to try and failed, than to failed without giving it just a single try."

Napangiti ako ng masaklap. Paano ko nga ba makakalimutan ang mga katagang yan? Eh si Ara ang nagsabi sa akin niyan eh. Naisip ko, sinasabi niya rin kaya don sa babae ang mga sinasabi niya sa aking ganyan noon? Ini-inspire rin kaya niya yung babae gamit ang mga inspirational quote at mga matatamis na sasabihin niya?

Umiling ako. Stop being so negative, Mika! Ang aga aga, drama agad ang nasa isip mo!

Dumeretso ako sa CR para makaligo. Habang dinaramdam ko ang malilit na butil ng tubig na pumapatak sa mukha ko, naalala ko ang mga bagay na pilit kong iwinawaksi noon. Ang mga bagay na tinatakasan ko...

NAPAPAYAG ko si Ara na manatili sa company nila basta ba ang deal namin ay uuwi siya every Thursday and Sunday. Malayo kasi ang pinagttrabahuhan niya at hindi naman kakayanin kung sa laptop niya lang gagawin ang mga bagay na dapat sa office niya ginagawa. Her schedule is also hectic because she is now the CEO of that company. Kaya naman pinipilit kong intindihin ang pagiging busy niya. Iniisip ko nalang na uuwi naman siya every Thursday and Sunday eh. Uuwi din siya para sa akin.

Hindi ko na rin nakausap ang mommy niya after that incident sa restaurant. But I am sure that she's happy because Ara is now taking over. Gaya nga ng sabi niya sa akin, Ara is the future of that company. And I dont want to be selfish. I know na mahal ni Ara ang company na yun. Kahit na malalayo kami sa isa't isa, iintindihin ko. Dahil alam ko namang nageenjoy siya sa ginagawa niya.

"Huy! Natutulala ka na naman! Namimiss mo si Ara no? Yiieeee." Nabalik na lang ako sa ulirat ng bigla akong kurutin ni Cienne sa tagiliran.

Hinimas himas ko ang parteng kinurot niya dahil medyo masakit iyon. Aish! Walang pakundangan sa pagkurot ang babaeng ito! Bakit ba sa kanya ako tumabi?

Siniringan ko na lang siya saka ko pinagpatuloy ang paghahalo sa iced tea na nasa harapan ko.

"Ang corny mo, Miks! Kakaalis niya lang kanina diba? Wala pang isang araw eh para ng biyernes santo ang mukha mo." Si Carol, tunog bitter na naman ang lola niyo.

Kaninang umaga umalis si Ara para bumalik na sa Pampanga. Dumeretso na ako sa bahay ni Kim at sakto namang dito pala nagovernight yung kambal at si Carol. Hindi na kami nakasama ni Ara sa overnight nila dahil nga magkasama kami buong araw kahapon. Catch up sa ilang araw na wala siya.

Napabuntong hininga ako. "Tigilan niyo nga ako. Puyat lang ako kaya ako natutulala." Pagsusungit ko sa kanila saka ko pinagpatuloy ang paghahalo na ginagawa ko.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now