Chapter Sixteen

581 21 1
                                    

Nang matapos na akong makapagayos ay lumabas na ako. Hinanap ko kung nasan ang iba at natagpuan ko sila sa baba ng hotel, gumagawa ng bonfire. Dumeretso ako sa kanila at kitang kita ko ang mga ngiti nila sa labi. Maraming nagpipicture at nagkakatuwaan. Bihis na din sila at nakapagpalit na. Most of the girls are wearing short shorts and maluwag na t-shirts na tinali sa may tiyan para makita ang pusod. Napatingin ako sa suot ko, pareho lang din naman pero hindi ko na tinali yung sa akin dahil nilalamig ako.

Nagsimula na akong lumakad papalapit sa kanila. Well, napagdesisyunan ko kasi na magstay na lang dito para sa after party. After all, ano pa bang magagawa ko kung magkikita kami ni Vic? Wala naman akong mapapala kung patuloy akong magtatago. Ako lang din ang matatalo sa dulo. Huminga ako ng malalim kahit na parang may kumurot sa puso ko.

Bakit ba affected pa rin ako sa kanya? Napakabig deal ng presence niya sa akin. Shit. Yung mga salita at tingin niya, sobrang laki ng epekto sa akin. May nahihinuha akong dahilan pero agad kong iwinaksi iyon sa isipan. Dahil alam ko namang hindi pupwede. Sasaktan ko lang ang sarili ko.

Bumuntong hininga ako at ngumiti. Well, kahit ano pang problema yan, makakaya at makakaya ko rin yan! Stay positive, okay? Okay!

"Mika! Halika dito dali, picture tayo!" Rinig kong tawag sa akin nina Ate Aby.

Tumawa na lamang ako at nakisabay sa kanilang lahat. Tuwang tuwa sila dahil maraming magagandang feedbacks at nagustuhan din ng ibang investors ang fashion show. Masaya naman ako at naging maganda ang kinalabasan. That's a good start for me!

Nang matapos ang pictures naming mga babae ay sakto namang narinig naming maghiyawan ang mga lalaki.

Tumingin ako sa gawi nila at nakita ko na agad ang malaki at maliwanag na bonfire na pinagmamayabang pa ng mga lalaki. Nagmamadaling pumunta doon ang ibang models. Nauna na rin doon sina Kianna.

Nakangiti ko silang pinagmasdan. Sila Kianna at Majoy, napakaganda na ng career nila. May magaang pamumuhay, gusto nila yung ginagawa nila, at higit sa lahat ay masaya sila. Nung mga nasa ganyan akong edad ay problema ang iniisip ko palagi. Siguro ay yun ang kaibahan ko sa kanila. Sila, pag may problema, hindi sila nagpapaapekto. Mas pinipili nilang solusyunan iyon kaysa magdrama. Samantalang ako, noong mga panahong sunod sunod ang problema ko, nagpalamon ako dito. Nalunod ako ng emosyon ko. Kaya siguro'y hindi ako nakapagisip ng maayos.

And that's what make them so much better than me.

Minsan kasi sa buhay natin pag may problema tayo, agad tayong nado-down at iniisip agad natin na hindi natin kaya. Nagpapalamon tayo sa emosyon. At ano ang madalas na mangyari pag magdedesisyon tayo ng sarado ang isip at lunod sa emosyon? Madalas ay nagkakamali tayo.

Yun ang madalas na pagkakamali ng mga tao, ang pagkakamali ko. Nakakapagdesisyon tayo kung kailan lunod na lunod tayo sa mga emosyon natin. Yung tipong sa sobrang desperada mong makawala sa isang problema, basta basta ka na lang gagawa ng aksyon na sa tingin mo ay makakatulong sayo. That's wrong. Madalas ay walang patutunguhan ang dedisyong iyon. Mas magandang magdecide pag mapayapa ang utak natin, dahil mas nakakapagisip tayo ng maayos.

It is really true that the battle between you and yourself is the hardest battle you've ever encounter. Mahirap kalabanin ang sarili, lalo na kung sa pagitan iyon ng utak, puso, at ng mga emosyon mo.

Huminga na lang muna ako ng malalim bago sana pumunta na rin sa may bonfire ng may biglang tumawag sa akin mula sa likod.

"Mika."

Agad na kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi pa nga ako kaagad nakagalaw ng marinig kong tawagin niya ako. Kilala ko siya, sigurado ako. Boses pa lang ay kilalang kilala ko na.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now