Chapter Two

896 26 2
                                    

Tatawa tawa kami habang naglalakad pabalik sa hotel suite namin. Katatapos lang naming magisland hopping, snorkeling, jet skiing at subukan yung ilang mga rides dito. Pupuntahan nga rin sana namin yung mini zoo pero sabi ni Jessey, may kalayuan daw iyon at maggagabi na. Nagenjoy ako ng sobra. Tama si Jessey eh. Kailangan ko ito. Kailangang kailangan. Kung hindi siguro ako napilit nun, malamang sa malamang, nandun lang ako sa condo at magmumukmok. O di kaya ay natutulog.

"Let's watch movies? Yung horror para intense!" Natatawang anyaya ni Riri.

"Sige. Gusto ko yan. Pero sa ngayon, magpalit muna tayo. Basang basa na ako. Grabe!" Sabi ko.

Sumangayon naman sila sa sinabi ko. Magkakaiba kami ng suite na tinutuluyan. Magkakasama silang tatlo habang kami naman ni Jessey ang magkasama. Pang VIP ang nakuha namin kaya malaki talaga yung suite. What do you expect? Eh kagaya nga ng sabi ko, sila Jessey ang may-ari. Haha.

Nang makarating na kami sa suite ay kanya kanya na kami ni Jessey. Agad agad akong pumasok sa CR at naligo. Medyo natagalan ako dahil talagang binabad ko ang sarili ko. Mga thirty minutes akong nasa loob bago ako lumabas. Habang nagpupunas, narinig ko ang pagsigaw ni Jessey.

"Miks, matagal ka pa ba diyan?!" Sigaw niya mula sa labas.

Natigilan ako sandali ng marinig ko siyang sumigaw. Ang dali naman niyang magayos? Madali ba talaga siyang magayos or matagal lang talaga ako? Agad agad akong kumuha ng damit ko bago sumagot sa kanya.

"Hintayin mo na lang ako sa baba, Jz. Susunod na lang ako!"

Maya maya, narinig ko na ang mga yapak niya palabas. Madaling kausap? Hindi man lang sinabing 'okay lang, hintayin na kita.' Jusmiyo talagang iniwan ako eh. Char. Nagmadali na akong nagbihis at nagayos ng sarili. Baka mainip na sila sa baba. Naka shorts at simpleng off shoulder na shirt lang ako. Okay na ito.

Naglakad na ako papalabas. Talaga pa lang malaki ang suite na nakuha ni Jessey. May mini kitchen sa gilid tapos may sala pa. Pumunta muna ako sa mini kitchen dahil nakaramdam ako bigla ng uhaw. Binuksan ko yung refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Pagkainom ko ay nakatanggap ako ng text kay Jessey asking kung nasan na ako kaya nagmadali na ako para lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa suite ay biglang kumalabog ng malakas ang puso ko ng may makita akong pamilyar ng pigura na pumasok sa isang suite di kalayuan dito. Hindi ko nakita ang mukha niya pero familiar talaga ang figure.

Cienne?

Umiling ako. No. Imposible. Imposibleng nandito silang lima. Baka namalikmata lang ako. Dala siguro ng gutom. Malaki ang Manila. Imposible talaga.

Nagmadali na akong bumaba at naabutan ko doon ang nakabusangot na si Jessey. Nginitian ko siya ng malapad saka tinapik sa balikat. Natawa naman ako ng mahina niya akong sinuntok sa tiyan. Letseng sadista ito. Ang sakit nun ah!

"Ang tagal mo kahit kailan!" Reklamo niya sa akin.

Sa aming lahat, palagi nila akong inaasar na sobrang tagal ko daw maligo. Ewan ko ba. Ganun ako eh. Hindi ako sanay sa quick bath. Naalibadbaran ako pag ganun. Feeling ko ako ang pinakamabaho sa mundo pag ganon. Okay, call me paranoid pero yun talaga yung nararamdaman ko!

Nagkibit balikat na lang ako kay Jessey saka ko siya inakbayan. Good thing mas matangkad ako sa kanya.

"Asan na sila? Let's go?" Anyaya ko.

Sa Aking Muling PagbabalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon