Chapter Twenty

694 22 10
                                    

"Nice shot!"

Ngumiti na lamang ako sa sinabi ng photographer matapos niya kaming kuhanan ng picture ni Jeron.

Today is the day of our pictorial. One week had passed and masasabi kong sa one week na iyon ay naging mas tahimik ang buhay ko. Dumistansya muna ako sa mga taong alam ko naman ay hindi makabubuti para sa akin. Sa mga taong hindi din makabubuti para sa kanila ang presenya ko.

Let me clear these things out, hindi ako sumusuko sa kanila. I'm just giving them time and space. At binibigyan ko rin ang sarili ko ng panahon para magpahinga, dahil masyado ko ng naaabuso ang sarili ko pagdating sa kanila. Alam ko din naman na medyo mainit pa ang sitwasyon kaya hindi na muna ako manggugulo. Last time na sinunod ko ang instinct ko at sinuway ang payo ni Kim, medyo hindi naging maganda ang kinalabasan.

"Now, Jeron, upo ka dito sa couch. Then Mika, umupo ka doon sa may gilid nung couch tapos hawakan mo yung balikat ni Jeron."

May nilagay silang isang maliit na couch sa harapan. Umupo agad siya doon at tumingin sa akin. Nginitian ko siya.

Sa one week na din na iyon, madalas ay siya ang kasama ko. Hindi ko nga lang alam sa trip niya kasi lagi siyang nag-aayang lumabas. Ako naman ay pumapayag na lang. I don't have any choice, tho. Mangungulit lang siya ng mangungulit sa akin. He's not accepting no for an answer! Well, mabuti na rin naman siguro iyon kasi hindi ako nabobored at naiiwan mag-isa sa condo. Kilala ko ang sarili ko, pag mag-isa lang ako ay kung ano ano ang naiisip ko kaya okay na rin siguro na lumalabas labas ako kasama siya. Hindi naman pupwedeng araw araw kong ayain sila Mela dahil may trabaho din sila. Being with Jeron is really not a bad idea for me. 

Habang patagal ng patagal din kasi ang panahon ay nasasanay na ako sa presensya ni Jeron sa tabi ko.

Umupo ako sa gilid ng couch, sa may sandalan ng kamay, at pinatong ang siko ko sa balikat ni Jeron.

"Shocks! Kinikilig ako!"

"Ohmygod. May chemistry!"

"Ang ganda ng tandem, san niyo sila nakuha?"

"Alaga ni Airess Padda yang dalawang yan diba? Kaya pala!"

Napailing na lang ako at napangiti. Sinulyapan ko si Jeron na sakto namang nakatingin din sa akin. Nginitian niya ako.

Muntik ko na siyang irapan ng mata. Alam kong gustong gusto niya ang naririnig niya. Ang isang ito! Siguro kung wala lang mga tao sa paligid na kumukuha ng litrato ay kanina pa siya humalakhak!

"Perfect shot! Nakuha mo ba! Yung eye contact? Ha? Nakuha mo ba?!"

Nagulat na lang ako ng may biglang sumigaw sa may gilid namin. Nakangiting tumango sa kanya yung photographer.

Ilang shots pa ang kinuha sa posisyong iyon bago tinanggal yung couch at pinalitan ng mas mahabang sofa.

"Last. Jeron, sasandal ka dito." Tinuro niya yung dulong bahagi ng sofa. "Tapos ikaw Mika, pupwesto ka sa pagitan ng mga hita ni Jeron at hihilig ka sa kanya."

Noong una ay medyo nailang pa ako pero hindi naman pupwedeng umangal ako dahil trabaho ko ito. Ginagawa ko din naman ito sa America pero hindi ko lang alam kung bakit naiilang ako pag kay Jeron na.

He positioned himself kaya sumunod na rin ako. Humilig ako sa kanya. Kasing pantay na ng ulo ko ang panga niya.

"Naiilang ka ba?" Maya maya ay bulong niya malapit sa tenga ko.

I don't want to lie so I said, "Yes, medyo."

"Don't be. Ako naman ito e. Para namang di mo ko kilala." He chuckled.

Sa Aking Muling PagbabalikDove le storie prendono vita. Scoprilo ora