Chapter One

1.3K 26 0
                                    

Mika's POV

"Come on, Mika! Wag kang killjoy!"

Muli akong napairap ng marinig ko na naman ang walang kasawa-sawang pangungulit sa akin ni Jessey. Kanina pa yan sa totoo lang. To the point na gusto ko na lang damputin yung study table na nasa tabi ng kama ko at ipukpok sa kanya para matahimik siya. Ganun ako kabadtrip ngayon.

Nagtaklob na lang ulit ako ng kumot at pinailalim ko ang ulo ko sa isang unan para mas safe. Ayoko ng marinig ang pangungulit niya dahil naririndi ako. Ayokong sundin siya. Ayoko! As in A-YO-KO. At pag sinabi kong ayoko, hindi niyo ako mapipilit.

"Mika! Everything is settled! Pagpayag mo na lang ang kulang. Dali na! Dali na!" Sigaw niya pa sa akin.

Napaupo ako mula sa kama ko nang hatakin niya ang kumot sa akin. Maski yung unan na nakatakip sa ulo ko, nagawan niya ng paraan. Isubsob ba naman sa pagmumukha ko? Oo! Sinubsob niya! To the point na halos hindi na ako makahinga!

Sinamaan ko siya ng tingin bago muling humiga. "Kakadating lang natin Jessey. Please give me time to rest. I'm tired." Kunwaring nabubugnot kong sabi.

Ang totoo naman kasi, hindi naman talaga ako inaantok pa. Kaya lang ako nasa kama ay nagpapanggap lang akong natutulog at pagod para may excuse ako kay Jessey. Ayokong sumama sa kanila. Tinatamad ako. Saka kakadating ko lang from United States. Three years akong nagtrabaho bilang model doon bago magpasyang bumalik sa Pilipinas nung matapos ang contract ko. Kakabalik ko lang kahapon. At simula kahapon, hindi pa ako lumalabas sa condo ko. Ayoko lang. Hindi pa kasi ako handa.

"Oh! Don't give me that kind of excuse, Mika. Gasgas na yan. Ano ba kasi ikinapuputok mo diyan? Bat ayaw mong lumabas?" Ngayon naman ay hinila niya ako sa paa kaya napaupo na naman ako. Aba! Matibay!

Sinamaan ko siya ng tingin."Shut up."

Ilang segundo ang nakalipas, hindi ko na siya narinig pa kaya idinilat ko ang mga mata ko para tignan. Wala na siya sa paligid. Haay. Salamat. Kala ko hindi na ako tatantanan ng babaeng yun. Mas makulit pa siya sa mga bata eh. Kung gusto niya, gusto niya talaga.

Ganito kasi yon, pinipilit niya akong sumama sa kanila. Three days and two nights lang naman. Dun daw kami sa resort nila Jessey. Icecelebrate ang pagbabalik namin sa Pilipinas. Yes, namin. Kasama ko kasi si Jessey sa United States. Nagttrabaho siya as architect doon. Matagal naman na kaming magkakilala pero doon kami uli nagkita sa US, siya lang din ang kilala ko doon except sa mga co-models ko kaya naging mas close kami. At nung sinabi kong babalik na ako sa Pinas, sumama na rin siya. Paano kaya yon noh? Aish! Ewan ko dun sa babaeng yun. Iba din ang trip sa buhay.

Tumayo na ako sa kama at dumeretso sa CR. Habang nagshoshower, hindi ko maiwasang hindi mapaisip.

Kumusta na kaya sila? Three years. Three years na simula nung nagpasya akong umalis. Ano na kayang mga ganap sa buhay nung mga yon? Okay lang ba sila? Kumpleto pa ba? May sari sariling buhay na kaya sila?

Napabuntong hininga ako. Sari-sariling buhay? Nah. Impossible. Kung meron man, mayroon silang sariling buhay na magkakasama, ng wala ako. Napangiti ako ng masaklap. I need to face the consequences of my action. Una pa lang, alam ko na na mangyayari ito. Umalis ako ng walang paalam. And I don't expect them to welcome me with open arms. Hindi ganun kadali yon.

Magpapakita pa kaya ako? Wag na kaya? Baka magkagulo na naman. Yeah right. Wag na. Ayaw ko ng magkagulo. I'm a walking disaster.

Nang matapos akong magshower ay agad agad akong nagbihis. Pinulupot ko ang towel sa buhok ko saka lumabas ng banyo.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now