Chapter Thirteen

558 20 10
                                    

Sa buong rehearsals ay tahimik lang ako. Kung ang GGC ang may-ari ng hotel na pangyayarihan ng show, siguradong andun din si Ara. And God! Paano kung nandun din ang Mommy niya? Fuck. Hindi ako nainform tungkol dito.

Mas lalo akong kinabahan sa mga mangyayari.

"Great! Good job, girls." Sabi ni Tita Air sa baba ng stage.

Ngiti lang ang naging sagot ko habang naririnig ko ang ingay ng iba pang models. Excited sila para bukas. Ako lang yata ang kinakabahan dito e.

Nauna na akong pumasok sa room na nakalaan para sa mga models para magpalit ng damit. Black pants at off shoulder na damit lang ang pinalit ko. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay. Nang lumabas ako ay nakasalubong ko pa sina Kianna at Majoy.

"Ate Mika! Kanina pa kita gustong lapitan. Nakauwi ka na pala?" Nakangiting tanong sa akin ni Kianna.

Medyo nagulat pa ako sa paraan niya ng pag approach sa akin. Hindi katulad ng iba'y nakangiti silang dalawa at talaga naman bakas mo sa mukha nilang masaya sila.

"Ah, yup. Matagal tagal na rin."

"Ganun? Why didn't you inform us para naman makapagcatch up sana tayo." Nakanguso niya pang sabi.

"Oo nga. Next time, ate Miks ha?"

Parang may kumurot sa puso ko ng narinig ko sa kanila iyon. Hindi ko akalaing ganito sila sa akin. Siguro nga ay nasanay lang talaga ako na wala masyadong tumatanggap sa presensya ko. Kaya ngayong naramdaman kong masaya silang nakikita ako ay sobrang nakakapanibago. Ang sarap pala sa pakiramdam.

I hugged them. Niyakap din naman nila ako pabalik. Successful na silang pareho. Samantalang dati lang ay parang ading ading ko pa sila. Ang layo na ng narating nila. "Namiss ko kayo!"

"Ay, naku! Kami rin no! Halos wala kaya kaming balita sayo sa loob ng three years."

"Oo nga. May utang ka pa sa aming kwentuhan, Ate Miks!"

Sasagot na sana ako ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko iyon at nakita ang mensahe sa akin ni Kim.

Kim:

Just got done eating dinner. Where are you?

Itinago ko ang phone ko at ngumiti sa kanila. I didn't even bother to reply dahil papunta na rin naman ako.

"Sige. Mauna na ko Kianna, Majoy ha? May lakad pa kasi ako e." Pagpapaalam ko sa kanila.

Hindi pa sila nakapagbibihis sa suot nila. Ngayon ko lang din napansin na sobrang nagniningning ang ganda nila sa suot nilang gown. Ang kay Kianna ay kulay blue na may paekis ekis sa likod habang ang kay Majoy naman, katulad ko'y isang tube long gown din na kulay white. They really look like an angel.

"Okay! Ingat, ate!" Kumaway pa sila sa akin kaya itinaas ko ang kanang kamay ko para kumaway na rin.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now