Chapter Fourteen

557 20 2
                                    

Maaga akong gumising para sa breakfast. Si Kim ang kasama ko sa room dahil syempre, siya lang naman ang nakakausap ko e. Siya lang ang hindi galit sa akin. Si Bang and Ara of course ang magkasama sa kwarto. And ang kambal naman at si Carol ay sa isa pang kwarto.

Dala ko ang notebook na binigay sa akin nila Mela. Mission #3 is all about cooking. Ipagluto ko daw sila. Because a way to your best friend's heart is through their stomach. Ay! Ewan. Man's kasi yun! Not bestfriend's okay. Yan na nga ba sinasabi ko e. Nahahawa na ako sa kabaliwan nung apat. Dumagdag pa yung Jeron na may saltik.

Lumabas na ako sa kwarto kahit natutulog pa si Kim. Alas singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ko. Dumeretso ako sa kusina at nangalikot na ng kung ano ano dun.

I prepared sunny side up egg, tocino, fried rice and toasted bread for our breakfast! It took almost one and a half hour for me to finish all of that.

Seven o'clock na ng umaga ng may marinig akong pintuan na nagbukas. Tapos ko na ang paghahain ng mga pagkain at inumin sa lamesa. Bumungad sa akin si Kim na naguunat unat pa.

"Oh, Miks. Ang aga mo nagising." Nakapikit niya pang sabi.

Sa totoo lang, sa US ay maaga talaga akong nagigising. Doon ako natutong magluto ng ilang mga dishes na hindi ko pa alam. Siyempre, wala naman akong kasambahay doon, no. Kaya naman natuto talaga ako sa mga gawaing bahay.

"Ah! Nagluto na kasi ako para sa breakfast natin." Sabi ko habang nilalapag yung mga kutsara't tinidor.

Nakita ko ang panlalaki ng mata niya sa sinabi ko. "Ha?! Bat nagluto ka pa?" Gulat niyang tanong.

Natigilan ako. Bawal ba? "Sorry, pinakailaman ko na yung kitchen."

"Hindi nam---"

"Good morning Kim!"

Napalingon kaming dalawa ng marinig namin si Cienne sa likuran. Pupungay pungay pa ito habang naglalakad papunta sa kinarooonan namin.

Hindi man lang ako binati.

Pero okay lang. Ako nalang ang babati.

"Good morning, Cienne!" Nakangiti kong bati sa kanya.

Tinitigan niya pa ako saglit na para bang nakalimutan niyang kasama pala nila ako. I smiled at her pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Di ka pa pala umuwi kagabi?" Tanong niya.

"A-ah. Hindi." Sagot ko.

Tumango siya bago dumeretso sa ref at kumuha ng tubig. Bumuntong hininga ako. Okay lang, Mika. Nagtatanong lang naman siya e.

Sunod sunod na lumabas ng kwarto sina Camille, Carol at Bang. I also greeted them a good morning pero si Bang lang ang naglakas ng loob na magsalita.

"Good morning, Mika!" Nakangisi niyang sabi.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. You, plastic bitch. Alam ko namang ngingiti ngiti ka lang pero sa loob mo ay pinapatay mo na ako. Don't worry, Bang. I know my limitations. Ilang beses mo na ngang pinamukha na pagaari mo si Ara diba? Ano pang kinasasama ng butchi mo diyan?

Sa Aking Muling PagbabalikOù les histoires vivent. Découvrez maintenant