Chapter Twenty Five

619 19 2
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong naligo at nagbihis bago bumaba at nagluto ng mga makakain ko para sa breakfast.

Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang hindi mapabaliktanaw sa mga nangyari kahapon. Nung matapos ang usapan namin ay hindi na rin kami nagimikan. I know that that was so very hard for Vic. And I admire her for that. I admire her for being brave enough to go through the pain again by reminiscing about what happened, years ago. Yun ang kulang sa akin eh. Yung tapang. The courage. Kaya siguro ay hindi ko rin masabi sa kanila ang mga nangyari noon. Dahil natatakot ako. Natatakot akong maalala ulit ang mga iyon dahil sobrang sakit nun sa pakiramdam. I don't want to go through that pain again. Well, at least, not now.

Nang may mapadaang sasakyan doon ay agad na kaming nakisuyo. Inuna akong inihatid dahil aasikasuhin pa daw ni Ara ang kotse niyang naiwan. Hindi na ako nakipagtalo pa at nagpasalamat na lamang sa tumulong sa amin. And that's the end of it.

Binaliktad ko ang piniprito kong longganisa dahil baka masunog pa dahil sa dami ng iniisip ko. Nang umuwi kasi ako dito ay naabutan ko ng maayos ang condo, pati yung mga pinamili kong damit ay nasa kwarto ko na. Yung mga pagkain, nakalagay na sa tamang lalagyan. I just silently thank Riri for that.

Nang matapos akong magluto ay kumain na rin ako. Sa Tuesday ay araw na ng Pasko. Today is Friday. And I'm looking forward for that very special day. Iniisip ko nga lang kung paano ako magcecelebrate? Di naman pwedeng nandito sina Chloe buong maghapon dahil time na nila yun para sa pamilya nila. Well, pwede naman sigurong ako ang pumunta sa kanila? Bahala na.

Napahinto ako sa pagkain at napaisip. Siguro kung sa ibang pagkakataon ay magmumukmok ako dito buong maghapon dahil sa mga nangyari between me at kila Camille. But today is different. Hindi ko alam kung bakit.

Siguro ay dahil napayapa ni Vic ang puso at utak ko sa pamamagitan ng paguusap namin kahapon. Nagkaroon ng katahimikan sa loob loob ko at naging maayos ang pakiramdam ko. Ang feeling ko ay para akong isang kinulong na ibon na pagkatapos ng napakahabang panahon ay nakalaya na. Hindi ako nagpapakaplastik. Ito talaga ang nararamdaman ko. I'm happy for them. I'm happy for Vic... And Bang.

Naisip ko, hindi ko na rin siguro ipipilit pa? After all, I've done my part. Si Bang na ang bahalang umayos sa gusot niya. Ang totoo naman ay labas na talaga ako doon. Ako lang naman ang nagpumilit at nanghimasok. At katulad ng sinabi ni Ara, ganun din siguro ang mararamdaman nina Cienne. Na kapag nalaman nilang wala talagang sakit si Bang, hindi sila magagalit sa kanya. Magiging masaya pa sila.

I smiled because of that thought. Hindi na ako nagagalit pa kahit kanino. Dahil katulad ng sinabi ko ay pinakawalan ko na ang sarili ko sa lahat. Pinakawalan ko na ang sarili ko sa kulungan ko. Napakabuting kaibigan nila Camille. Alam ko iyon. At si Bang? Naniniwala na ako ngayon na kaya niya lang nagawa iyon ay dahil nathreaten siya sa akin. See? I want to end this. Ayoko ng may nahihirapan. Ayoko ng may nasasaktan. Kaya pinapakawalan ko na ang sarili ko sa lahat. Sa galit, sa sakit, sa poot. And I'm happy for that. That's what I deserve. Naniniwala akong deserve ko to.

Nang matapos akong kumain ay naligpit ko na ito. Everything went well. Nilinis ko ang condo ko sa buong maghapong iyon at binigyan ng katahimikan ang sarili sa pamamagitan ng pagpapahinga at pagtulog pagkatapos.

Dalawang araw ang lumipas, araw ng Linggo, nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. May pictorials kami mamaya kasama ang iba pang kasama ko sa agency. Mabilis akong nagayos at nagbihis bago lumabas ng condo para pumunta sa napagusapan naming lugar. Ang plano kasi ay magkikita na kaming lahat doon at sabay sabay na kaming pupunta sa venue.

Sa labas ay kitang kita ko agad ang pamilyar na kotse ni Jeron. Tumaas ang kilay ko. Anong ginagawa niya dito? Nakasandal siya doon sa kotse niya at mabilis na umayos ng tayo nung mamataan ako.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now