Chapter Eight

714 25 5
                                    

"Ano?! Mika naman! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos kong marinig ang mga katagang inaasahan ko na talaga sa kanila. Ang totoo nga ay nageexpect pa ako ng mas exaggerated pa diyan. Buti at hindi naman ganun ang nangyari.

"Ayoko lang na mag-alala kayo, okay?" Mahinahon kong sabi sa kanila.

Nakita ko ang sabay sabay na pagirap nung tatlo at ang pagismid naman sa akin ni Jessey. Muntik na nga akong matawa sa mga reaksyon nila eh. Buti napigilan ko at baka majombag ako ng wala sa oras.

"So, nung mga panahong una ka naming nakilala ay kamamatay pa lang ng Daddy mo?" Gulat na tanong sa akin ni Riri.

"Oo." Malungkot na sagot ko sa kanila.

Pagkapunta ko noon kila Mommy, ang tanging naabutan ko na lamang ay ang burol ng Daddy ko. I was so devastated that time. Ako ang may kasalanan nun eh. Sarili ko ang sinisisi ko nung mga panahong iyon. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kaya hindi ko masisisi kung bakit nagalit sa akin ang mga kamaganak ko. At sa hindi ko malaman kung pangilan na pagkakataon, pinaalis nila ako. Hindi ako pinapunta kahit isang araw sa burol at libing ni Daddy. Lahat sila ako ang sinisisi. Tama naman eh, ako lang ang dapat sisihin. Kung hindi sana ako nagmatigas noong mga panahong iyon. Kung hindi ko sana muna inisip ang sarili ko. May ama pa sana ako, maayos na sana kami ng pamilya ko.

Umalis ako, nagtrabaho at kumita gamit ang sarili kong kakayahan. May kumuha sa aking modelling agency kaya I grabbed that chance para mabuhay ko ang sarili ko. Nung mga panahong yun, sarili ko lang ang inaasahan ko. Sarili ko lang ang karamay ko sa lahat ng sakit. Magisa lang ako ng mga panahong iyon.

Until I met all of them. Riri, Jessey, Mela and Chloe. Para akong nagkaroon ng pamilya sa US of A. Sa kanila ko naramdaman na hindi ako nagiisa sa three years na nasa ibang bansa ako.

"Oh my God, Miks! Bat di mo sinabi?" Anang ni Chloe.

"Yung sa resort nina Jz, kaya ba tayo umalis ay dahil--" Natigilan muna sandali si Mela sa sinasabi. Tumingin siyasa akin at tinanguan ko lang siya. "I knew it! Kaya pala!"

Ngayon, lahat ay sinabi ko sa kanila. Lahat ng tungkol sa sarili ko ay shinare ko na sa kanila. At sobrang gaan ng pakiramdam ko dahil alam kong wala na akong tinatago. Hindi katulad noon na si Jessey lang ang nakaalam, ngayon alam kong may matatakbuhan na ako at may masasandalan na ako bukod kay Jessey. I am so happy to have them, despite of the fact na hindi ako naging mabuting kaibigan noon.

"Oh my God Miks!" Singhap pa ulit ni Chloe bago ako niyakap.

Niyakap nila ako at doon ko naramdaman ang init at kirot sa puso ko. Kirot, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa saya. Masaya ako na meron akong mga kaibigang handa akong damayan. Masaya ako na meron akong kaibigang handa akong tanggapin, kahit na tinalikuran na ako lahat ng tao, they are always there para tanggapin ako.

At least, in this life, I can say to myself that I am not a loser. Because the fact that I have them, mas higit pa iyon sa pakiramdam ng nanalo.

"Okay okay! Tama na ang drama! Baka magsiiyakan pa tayo rito." Tumayo si Jessey at pumunta sa kusina. Pagbalik niya, may dala dala na siyang cake.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now