Chapter Nine

695 26 3
                                    

Malakas na sinag ng araw ang nakapagpagising sa akin kinabukasan. I greeted myself a good morning bago pumasok sa CR at naligo. Magaan ang loob kong gumising ngayong araw. Ito na siguro ang kauna unahang araw na gumising akong parang walang pinoproblemang kahit ano. Although my konting kaba pa rin sa dibdib ko, pinili kong huwag na lamang itong pansinin. Alam ko ang naghihintay sa aking problema pero siguro'y hahayaan ko na lamang munang lapitan ako noon? At kapag dumating ang panahon na iyon, alam ko na ang gagawin.

Isang oras ang ginugol ko bago ako makababa. Naabutan ko silang nagaayos sa kusina.

"Uhm, good morning, Mika." May bahid ng pagaalinlangan sa boses ni Mela ng binati niya ako.

I smirked. Sigurado akong walang kahit sinong pinagsabihan si Riri sa naging paguusap namin kagabi. Sinulyapan ko siya at nakita ko siyang nagtotoast ng bread. Nang magtama ang paningin namin ay kinindatan niya lamang ako kaya napahalakhak ako.

"Good morning." Nakangiting bati ko sa kanila.

Nanlaki ang mata ni Jessey at kita ko pang laglag ang panga nung dalawa. Natawa ulit ako. Lumapit ako sa dining table at tumulong na rin sa paghahain ng maaari naming kainin for breakfast. Sa likod ay kita ko ang pagdidikit nung tatlo at pagbubulungan.

"Nakikita mo ba ang nakikita ko?"

"Nakangiti."

"Maaliwalas ang mukha."

"Parang kahapon lang, umiiyak ah?"

"Mood swings?"

"Di kaya may topak itong kaibigan natin?"

"Tingin mo?"

Napailing na lamang ako sa bulungan nila. Or kung bulungan pa bang matatawag iyon. Nakakagulat bang makita akong ganito? Did I stressed myself too much? Saglit na dumaan ang kirot sa puso ko. Naging ganoon ba ako kalungkot to the point na nasanay silang ganun ang reaksyon ko?

"Come on, guys. Kung pagusapan niyo ako parang wala ako sa harap niyo ah?" Natatawa kong sabi, binabalewala ang saglit na kirot na naramdaman.

Ilang sandali pa ay umupo na kami at nagsimulang kumain. Nung una ay medyo tahimik pa pero kalaunan ay nagsimula na sila sa pagtatanong.

"Sino yung tumawag?" Tanong ni Jessey sa akin.

Napabuntong hininga ako. Everytime I think about the call, laging parang kinukurot ang puso ko. Lalo na kapag naalala ko ang pagiyak na narinig ko sa kabilang linya. No, I'll rephrase that. Hagulgol is the right term. Tama, hagulgol ni Carol.

Dati, I can not stand seeing my friends crying. Kahit isa sa kanila, hindi ko kayang makikita silang umiiyak. But now, it is funny to think na ako ang dahilan ng pagiyak nila. Last time I saw them, they were crying. At ngayong nakasalamuha ko ulit sila, sakit pa rin ang dulot ko. I can't help but to blame myself. Although alam kong hindi dapat.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Uh, si Carol." Sabi ko sa kanila.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko pero binabalewala ko iyon. I just want my day to be happy, at least. Kahit ngayon lang, I'm tired of running, hiding, and crying. Or that's what I thought.

Gusto kong paniwalain ang sarili kong okay na. Kaya hangga't maari, I'll keep my momentum. Just, at least, this day. I just want myself to be happy. Kahit ngayon lang diba? Bago ko subukan ulit. I'm tired of everything kaya kailangan kong magrecharge. Bago sumubok ulit. Bago ko sila harapin ulit.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now