Chapter Twenty Six

762 21 3
                                    

Alas sais na ng gabi ng makauwi ako sa condo. Marami pa kasing mga trip ang mga iyon at marami pa kaming dinaanan kaya tumagal talaga. Nang makapagbihis na ako at makaligo ay bumaba ako sa kusina at naghanda ng makakain for dinner.

Nang maisalang ko na ang kanin ay umupo muna ako sa high chair sa may kusina at nagpanghalumbaba. It's been a while since I've seen them. Are they really doing good without me? Ano na kayang mga nangyayari sa kanila ngayon? Is Ara and Bang okay? Nasabi na ba sa kanila ni Bang ang totoo? Ano kaya ang naging reaksyon nila?

Gusto kong malaman.

Gusto ko pa ring malaman kung okay lang ba sila. Gusto ko pa ring malaman kung ano ang mga ginagawa nila. Gusto ko pa ring malaman... kahit na sa kabila pa ng mga nangyari.

I don't hold any grudges towards them. Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Kung meron man, siguro ay saglit lang iyon at dala lang ng bugso ng damdamin. Kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng galit sa kahit na kanino, maging sa pamilya ko. That's not so me. Mas gagawing complicated lang niyon ang mga pangyayari. Kung may galit man sa puso ko noon, siguro ay para sa sarili ko lang. Dahil noon, sarili ko ang sinisisi ko.
But now? I've realized that it's no one's fault. Walang may gusto sa mga nangyayari. Everything has a reason, ika nga. And from this day, I'll live a happier life. I'll appreciate everything and everyone that I have. I'll tell sorry for all the people that I hurt. And I'll do everything that I can to fix all of this, at least, for the last time.

Nang naluto na ang pagkain ko ay agad na akong kumain. Kaunti lang iyon dahil busog pa naman ako sa mga kinain namin kanina. I washed the dishes pagkatapos kong kumain bago muling dumeretso sa kwarto at humilata.

Nung pagkabalik ko dito sa Pilipinas, I fear everything, everyone. Lahat ng mga bagay ay kinatatakutan ko. At ngayon ko lang din lubusang narealize na wala akong dapat na katakutan. Hindi ako dapat na matakot. Because everything is well planned, by Him.

People usually fear about being alone. But for me? After everything I've been through? Hindi na ako matatakot. Hindi na ako natatakot na maging mag-isa. Because that will never happen again. Hinding hindi na mangyayari sa akin iyon. Kahit kailan, hindi na ako mag-iisa. See? After all I've done, nung umalis ako at iniwan sila Cienne, nung pinaalis ako ng pamilya ko dahil sa nangyari kay Daddy, hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos. Hindi ko naappreciate ito noon. Dahil wala akong ibang nasa isip kundi mag-isa na lang ako. But, no. He's there. At pagkatapos ng ilang mga buwan, dumating sila Jessey. And after that, hindi na ako naging mag-isa pa. I'm very thankful.

Ipinikit ko ang mga mata ko at niyakap ang unan sa tabi ko. This day is a tiring day, yet, memorable.

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga kaluskos sa baba. May mga naririnig din akong nagbubulungan. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at bumangon mula sa pagkakahiga.

Who are they?

Magnanakaw?

Oh my God! Nataranta ako. Akala ko ba mataas ang security dito? Bakit may magnanakaw? I glanced at my wrist watch only to find out that it is already one o'clock in the morning! Damn. What should I do?

Lumapit ako sa pintuan ko at hindi na nagabala pang buksan ang mga ilaw. Binuksan ko ito at una kong napansin ang sobrang dilim na paligid. Rinig na rinig ko pa rin ang mga kaluskos at bulungan. Tahimik akong naglakad papababa ng hagdan, hindi iniinda ang kaba sa dibdib ko.

Kung totoo ngang magnanakaw iyon, anong gagawin ko? Tatawag ng pulis? Pero paano? Paano kung makita nila ako tapos patayin tapos chop chop-in at ilagay sa-- uh that's so gross! Kakapanood ko to ng mga horror eh. Kinalma ko ang sarili ko at dinampot ang matigas na bagay na unang nahawakan ng kamay ko. Madilim pa rin ang paligid at naririnig ko na ng mas malinaw ang mga bulungan.

Sa Aking Muling PagbabalikWhere stories live. Discover now