KABANATA 2

1.5K 44 1
                                    

"It is not in the stars
To hold our destiny
But in ourselves."

-William Shakespeare

----+------------+-----------+----------+--------

Jose Marie Viceral's Point of View

Same day

"Rika, nakuha mo na ba yung gown na susuotin ko sa kasal nung dalawang bruha?" Tanong ko sa baklalu na kausap ko sa phone.

Hinahanap ko yung Maybelline matte lipstick ko. Kabog diba? May vice cosmetics ako pero ibang brand gamit ko? Eh bakit ba, mas dyosa ako dito.

"Kasal nila ma'am Coleen at Billy po ba?" Ulit nitong bruhilda

"May iba pa bang bruha bukod sa dalawang yun?" Pasarkasmo kong tanong.

"Eh ma'am,bakit bruha? Eh lalaki po si billy"

"Paminta din yan, naku, manahimik ka nga muna." Pinatay ko na ang tawag.

Pang-asar ko lang yun kay billy, pero alam kong straight yun.

Nakita ko na yung lipstick. Napakunot ang noo ko nang nagdadalawang isip pa akong ilagay ito sa kissable lips ko. Napatitig lang ako sa lipstick at inaaalala kung para saan nga ba toh? Sigh.

Dadaan lang naman ako sa shop bat ko pa kailangang maglipstick?

Inabot ko ang ball cap ko at nagpose-pose ako na animo'y jejemon sa harap ng vanity mirror kong pink na pink. Gawain ko na to lagi, ang mag-ala-victoria's secret model sa harap ng salamin. Kinakausap ko pa nga ang sarili ko dito eh. Eto ang pinagpapraktisan ko ng mala-best actress kong pag-arte.

Tinitigan ko ang buong kwarto ko na pink na pink. Parang ngayon ko lang narealize na kadiri pala yung pink. Teka, paborito ko naman to dati ah? Sigh. Ma-try nga next time ang black, mukhang maangas eh.

Lumarga na ko papunta sa shop gamit ang mumurahin kong sasakyan na kakabili ko lang last month.

Tumunog ang phone ko at nakita si anne tumatawag.

*Anne calling...*

"Mamaya ka na teh tumawag nagdadrive ako" Kunwari huwarang driver.

"Sister wala ka na naman? Parang isang beses ka lang pumasok ngayong linggo ah." Bungad ni anne.

"Naghahanda ako sa kasal nung dalawa. Mamaya na muna tayo mag-usap, nagdadrive ako." Pagtataboy ko sa kaniya. Arte ko lang.

"Di mo nanaman sinipot si Jackque, iwan ere k----"

Di ko na narinig ang sinabi ng bruha nang napapreno ako agad. Bat nga naman ako nagpreno sa kalagitnaan ng highway? Parang may narinig kasi ako eh. Ano yun ulit? Sigh.

"Uy naano ka dyan?" Tanong niya.

"Mamaya mo na kasi ako kausapin. Babush muna." Binaba ko na agad ang tawag at nagfocus sa pagmamaneho. Pero ang totoo, nagliliwaliw ang utak ko along the highway.

Jackque....

Oo nga noh, isang beses lang ako pumasok ngayong linggo. Nung Tuesday lang.

Naalala ko na naman yung nangyari nung Tuesday. Napaamin ako nang wala sa oras.

"Yun nga eh, bakla ako pero bakit gusto kita?"

Napapreno ulit ako nang magplay ng paulit ulit sa utak ko ang mga katagang iyon.

Sinabi ko ba talaga yun.? Shettt. Napahilamos ako at napasabunot sa buhok kong walang extension.

Napatingin ako sa side mirror ko at napatili nang marealize kong mukha akong may hotdog(lalaki) ngayon.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now