KABANATA 16

1K 36 6
                                    

"Ipilit ko mang paikutin ang buwan, kung puso mo'y 'di kumibo, bat ko pa susundan?" -lyrics from 'Sayo na lang ako' by Karylle.

-------------+-----------+------------+------------

Jackie's Point of View

Sunday

Nandito ako ngayon sa Naia Terminal 1 para sunduin si Tom galing Hongkong. Apat na araw kasi siya dun at gusto niyang sunduin ko siya ngayon para makapagkita kami dahil didiretso siya sa resort nila sa Davao dahil may aasikasuhin siya dun.

Nag-igstory muna ako na nasa airport ako. At nagulat nang na-seen agad ni Vice ang igstory ko. Nakakapagtaka, hindi niya naman ako finallow sa IG pero siya ang pangalawa sa nagseseen ng mga igstory ko. Weird.

4 pm na, nakita ko na sa glass wall ang paparating na eroplano galing Hongkong. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpunta na sa departure area.

Habang naghihintay, biglang tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext. Binuksan ko ito at nagulat na hindi galing kay Tom ang text kundi kay...Vice.

'4:02 - Kanina pa kong 11 am nakabalik ng Pinas. Akala ko hinintay mo ko. Iba pala ang hinihintay mo....' -Viceral

Napakunot ang noo ko sa text na yun. Sa hindi malamang kadahilanan, may kung anong tumalon sa puso ko. Nakauwi na pala siya. Napangiti ako.

Napatingin ako sa pintuan kung saan lumalabas ang mga galing sa eroplano. Agad kong namataan si Tom na kumakaway sakin bitbit ang mga maleta at ilang paperbags na dala niya. Ngumiti na rin ako at kumaway

"I miss you, love." Bungad niya sabay halik sa pisngi ko. Pinilit kong ngumiti at pilit na hinanap ang dating kilig na nararamdaman ko tuwing naglalambing siya.

"Buti naman ligtas kang nakarating." Wala na kong maisip sabihin kaya yun na lang sinabi ko habang sinasantabi ang panandaliang saya na dulot ng text kanina ni Vice.

"I got pasalubongs for you. Do you wanna see them?" Nakangiti naman niyang tanong. Tumango ako at nilahad ang kamay ko.

Binigay niya ang mga paperbags na dala niya. Nalula naman ako sa dami nito. Parang isang taon siya nawala eh.

"Dami ah. Miss mo talaga ako. Thank you." Nakangiting sabi ko at naglakad na kasabay siya.

"So hindi ka na uuwi? Diretso ka na sa flight mo papuntang Davao?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa exit.

"Yep, may pinapaayos sakin si dad eh. Don't worry, after nun, babawi na talaga ako sayo. Date tayo kahit saan mo gustong place. My treat." Nakangiti niyang sabi sabay akbay sakin na may kasamang halik sa pisngi. Na-awkward naman ako, di ko alam kung bakit.

Inayos na niya ang mga gamit niya sa kotse nilang Adventurer. Gusto niya kong isabay at i-drop by malapit sa place ko bago dumiretso sa cebu pacific.

"Wait lang Tom ah, punta lang ako sa cr." Sabi ko habang nag-aayos pa rin siya sa mga maleta niya sa likod ng kotse. Tumango lang siya at agad akong pumunta sa cr malapit dito sa entrance.

Habang naglalakad ako agad kong kinuha sa bag ko ang phone ko. Naalala ko kasi bigla na hindi ako nakapagreply kay Vice.

Pagliko ko agad na may humila sa braso ko at dinala ako likod ng isang malaking pillar na walang tao.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na si Vice ang humila sakin. Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat.

"Hindi mo ko nireplyan." Matigas na sabi nito. Bakas ang pagtatampo sa mukha na may kasamang konting inis. Nang makabawi ako sa gulat, tinulak ko siya konti dahil ang lapit lapit niya kasi.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now