KABANATA 21

1K 41 23
                                    

"Stop chasing the wrong one. The right one won't run." -Michelle Dy

------------+------------+-----------+------------

Third Person's Point of View

Sunday (same day)

Napatingin si Jackie kay Vice na nagdadrive na ngayon. Hindi pa rin siya makaget-over sa mga pangyayari. Yung Zipline, Bungee Jumping, yung mga halik...

Napaiwas ng tingin si Jackie nang lumingon sa kaniya si Vice. Nagkunwari siyang tumitingin sa labas ng bintana ng kotse.

Kalahating oras nang nagdadrive si Vice. Kalahating oras na ring nababalot ng katahimikan ang paligid nila na animo'y may dumaang anghel sa sobrang tahimik.

Napatigil ang sasakyan nang dahil sa konting trapik sa kahabaan ng highway. Napalingon si Vice kay Jackie at sinilip kung natutulog ba ito. Kanina pa siya nag-aalala nang hindi siya iniimik nito. 'Galit kaya siya?' sa isip isip niya.

Ipinatong niya ang siko sa bintana at nilagay ang mga daliri sa labi nito. Napakagat siya sa kaniyang labi nang maalala ang nangyari kanina. Hindi niya mapigilang ngumisi. 'That was the most amazing moment of my life' isip ni Vice.

Nag-greenlight na kaya umandar na muli ang sasakyan. Gustong tanungin ni Vice si Jackie kung okay lang ba ito kaso natatameme siya tuwing sinusubukan niya. Namula na naman siya nang maalala ang nangyari.

Naramdaman ni Vice ang gutom kaya itinigil niya ang kaniyang sasakyan sa isang malapit na kainan sa bayan.

"Kain muna tayo bago bumyahe pauwi." Aya ni Vice habang maingat na tinitignan si Jackie.

Tumango si Jackie at bumaba sila ng sasakyan. Bago pa sila makapasok sa restaurant, nagulat si Jackie nang makita ang mommy niya kasama ang Tita Ana niya. Nakalimutan niyang nasa Tagaytay rin pala ito.

Lumingon si Jackie kay Vice na nauunang maglakad. Tatawagin niya na sana ito nang marinig na tinawag siya ng mommy niya.

"Jackie? Anak?" Gulat na wika ng mommy niya. Nagmano siya sa tita Ana niya at humalik sa pisngi ng mama niya.

Tinignan ni Jackie si Vice na nakapasok na ng restaurant at walang kamalaymalay na hindi na nakasunod sa kaniya ito.

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko nasa Antipolo ka?" Tanong ng nanay nito na labis na nagtataka.

"Oo nga, iha. Sinabi ng mama mo na kaya hindi ka nakapunta sa kaarawan ko kahapon ay dahil busy ka." Ani tita Ana nito. Mga nasa 40s na ito ngunit makikita pa rin ang angking kagandahan nito.

"Uhhmmm..." Pilit na ngumiti si Jackie sa mommy niya at tita niya habang nag-iisip ng palusot.

Hinila ni Jackie sa gilid ang dalawang ginang at sinigurado na hindi sila mapapansin ng mga tao.

"Gusto ko po tita na personal ko kayong batiin ngayon dahil free ako ngayon pero uuwi rin po akong Antipolo agad." Palusot ni Jackie.

Napansin ni Vice na wala na si Jackie sa likod niya kaya lumabas siya para hanapin si Jackie. Napalingon siya sa gilid ng isang sasakyan at nagulat nang makita sila. Lumapit siya ng konti para marinig ang pinag-uusapan nila nang hindi siya mapapansin.

"Ganun ba, iha. Salamat at nag-abala ka pa. Sakto, pauwing Antipolo na rin ang mommy mo ngayon. Sabay na kayo. Hatid ko na lang kayo terminal." Tugon ng tita ni Jackie.

Napatingin si Jackie sa direksyon ni Vice. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nabasa ni Vice sa mga mata ni Jackie na sasama ito sa mommy niya pauwi at kung okay lang na mag-isa na lang umuwi si Vice. Tumango lang si Vice dito at hinayaang maiwan siya. Batid niyang ayaw ipaalam ni Jackie sa mommy niya na nagkikita sila off cam. Hindi rin naman kailangang ipaalam pa dahil wala namang namamagitan sa kanila. Nasaktan siya sa huling naisip.

ViceJack: Can't hold any longerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon