KABANATA 5

1.1K 30 4
                                    

The sadness, the forlorn and the anxiety of other people are the emotions that can't be seen, but can be felt.

----------+----------+-------------

Jackque Gonzaga's Point of View

Monday

We welcomed the new couple, Billy and Coleen. Masaya ang mga tao dahil may kinasal na naman at kapwa hosts pa ng showtime. Ilang hosts na nga ba ang kasal?

Wala ring miss q and a kaya nagpractice lang kami ng ilang dance step sa rehearsal room. May event kasi kaming pupuntahan sa Thursday. Medyo busy rin.

Kung tatanungin niyo kung kamusta kami ni Vice, good as friends/acquaintance pa rin kami. Hindi talaga kami madalas mag-usap sa personal, maraming nakapaligid sa kaniya while me, puro dance rehearsal lang. There are times na nagpapasama siya sakin pero yun lang yun.

May mga times rin na nakakapagmeet kami sa mga sikat na bar syempre with the hashtags and their gfs. We just bumped into him but most of the time inaaya siya nila Zeus while me, inaaya lang ako rin Tom if he feel like it.

Tuesday

Hindi ako nakapasok dahil sumakit na naman ang puson ko. Isa ako doon sa mga babae na sobra kung sumakit ang puson. Akala ko nga dati may PCOS ako or what but normal lang talaga sakin.

Good thing, I have friends na nangungumusta. Sa mga ganitong pagtakataon, comforting and suiting words are enough to make me feel better. Hindi kasi ako tinatalaban ng mga pain reliver coz I acquired immunization of it.

Wednesday

Nakapasok ako sa showtime. I think it's just a normal day. Like the usual na ginagawa ko, dancing, rehearsals, at yung pag-aabot ko ng question cards. Syempre may Vicejack moments, na-brief naman ako sa mga gagawin ko.

Ang hindi ko lang inaasahan ay nung nagpakita sakin si Tom nung pauwi. Ilang araw nga kaming hindi nagkita? Dalawa? Bukod sa 'take care' niya, wala na kaming ibang pinag-usapan. Hinatid niya lang ako na dating usual, ngayon ay naging unusual.

"Bukas pala, sunduin na lang kita sa bahay niyo. Alas otso ah" paalala nito sakin.

"Sige, bye. Ingat." Nagkiss ako sa kaniya sa cheeks at lumabas na ng sasakyan.

Pupunta kasi kaming Bagombong Nueva Ecija bukas dahil may event. Sa Friday meron din kaya di ako makakapasok ng showtime

Friday

After nung event inaya ako ni Tom sa isang bar sa Taguig with some of the hashtags. This is the usual Friday nights nila kaya laging puno ang mga bar.

Nagsuot lang ako ng isang over-knee length na dress and light make up tsaka 3.5 inches na heels. Sa lagay ko kasi, need ko ng heels kasi hindi naman ako katangkaran. One of my insecurities ko ang height ko. Hindi naman mawawala sa tao ang mga insecurities eh. Pero yung contentment, mahirap yan makita sa tao.

Pagpasok namin sa bar, malakas na amoy ng alak at yosi ang sumalubong samin. Sobrang lakas ng music. May rock band ata ang tumutugtog. Isa sa mga gusto ko sa bar ay ang mga band. I enjoy music more than socializing.

"Pre, musta? Kasama mo pala gf mo. Hi Jackie!" Bati sakin ng ilang kaibigan ni Tom na hindi ko kilala. Nginitian ko lang sila isa isa at binati rin sila.

Nung sa wakas nakarating na kami sa table nila, umupo agad ako at hinilot ang paa ko. Feeling ko yung pagod ko kahapon at ngayon ay nagsama sama na ngayong gabi.

Puro kwentuhan lang at tawanan. Nagtype lang ako sa phone ko at nireplyan ang mama ko na baka mga 12 na ko makauwi. Sumandal ako sa back rest ng upuan at hinilot ang sentido nang makarinig ako ng malakas na hiyawan at sigawan. Medyo hype up na ang mga tao sa dance floor at nakakahilo na ang ilaw. Wala pa naman akong naiinom maski tubig pero hilong hilo na ko sa sibrang pagod. Bat pa kasi ako sumama?

ViceJack: Can't hold any longerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang