KABANATA 11

1K 39 10
                                    

Walang recipe sa pag-ibig
dahil ang puso ay may
kaniya kaniyang panlasa
basta tamang rekado lang
ang ipaparamdam mo

-ctto

-----------+----------+---------+-----------+----

Jackie's Point of View

Tuesday

Katatapos lang ng final rehearsals namin para sa production number mamaya sa showtime. Pumunta ako sa locker ko para kunin na ang dress na pansayaw namin. It's a green mid-thigh fitted dress na may mahabang slit sa gilid.

"Nakita mo ba yung brush ko?" Tanong ko kay ate Maggie na kapwa dancer ko.

"Hindi eh, just borrow this na lang." Sabi niya at binigay sakin ang brush na kagagamit niya lang sa pagmemake-up. Pumunta na ko sa isang vanity mirror at nagretouch lang ng konti.

"Bihis lang ako ah." Paalam ko sa kaibigan kong si Madc. Tumango lang siya sakin habang busy siya sa pag-aayos.

Malapit nang magstart ang showtime kaya medyo magulo dito sa dressing room namin.

Lumabas na ako at dumiretso sa cr na one floor below pa dito. Instead na mag-elevator, pumunta na lang ako sa fire exit at ginamit ang hagdanan pababa.

Bago makapunta sa cr, madadaanan ko pa ang dressing room ni Vice, ate Karylle, Vhong at ate Anne. Halos marami rin akong nakakasalubong na mga staffs na ngarag at nagpapabalik balik.

Habang naglalakad, napadaan ako sa dressing room ni Vice at hindi ko napigilang silipin siya. Nandito na kaya siya? Umiling ako sa sariling tanong. Tinignan ko ang oras, 11:46 na. Malamang late na naman siya. Madalas kasi siyang late kaya minsan naririnig kong napagsasabihan siya. Kahapon, halos ala una na siya nakapunta kaya sa Tawag ng Tanghalan lang siya nakapaghost.

Hindi ko mapigilang malungkot nang maaalala ang pagsnob sakin ni Vice kahapon. Pansin ko kasing hindi niya ako pinapansin, dati naman kahit hindi kami close, bumabati siya saming mga dancer, pero kahapon kasi, kahit tingin hindi man lang dumapo sakin. Yung bumati naman ako, tumango lang siya. Pag nagkakasalubong kami dati nagha-"hi jackie" siya, kahapon hindi. Baka assuming lang ako masyado na close kami because of our little interactions nung friday? Or baka naiirita siya sakin kasi papansin ako masyado? Or baka masama lang ang pakiramdam niya at masyado siyang busy? Baka nga. Sana.

Dumiretso ako sa common cr na pambabae. Marami ring showtime dancer na nagbibihis. Puno lahat ng cubicle kaya sa sobrang pagmamadali, nagbihis na lang sa gilid ng isang closed cubicle. They don't mind naman kasi puro babae naman kami.

"Uy girls! Bilisan niyo! Nagagalit na si Madame Rika. Bilis! Bilis!" Tawag ng isang co-dancer ko. Nagsilabasan na sila habang ako naiwan sa loob. Lumapit ako sa may salamin at sinilip ko ang sariling repleksyon. Sinusubukan kong i-zipper pataas 'tong dress na 'to kaso parang naipit ata sa likod. My ghad! Bat ayaw mong sumara? Napatingin ako sa orasan at nagulat na five minutes na lang ay magsstart na.

Inayos ko ang mga gamit ko at lakad-takbo na sa pagmamadali habang pinipilit kong isara ang zipper ng dress ko sa likod. Wala na ring masyadong staff sa hallway kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad nang makabunggo ako.

"Sorry po." Sabi ko at pag-angat ng tingin ko ay nagulat akong si Vice pala ang nabunggo ko.

"Vice--este ate Vice ikaw pala yan! Sorry po." Sabi ko. Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad papunta sa dressing room niya. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin lang sa kaniya. Kumirot ang dibdib ko sa simpleng rejection na yun. Galit ba siya sakin?

"Uy Jackie!" Napalingon ako sa tawag ni Vitto. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero magkaibigan kami ni hashtag Vitto Marquez. Simula nung medyo sumikat ako, lagi niya na lang ako inaasar.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now