KABANATA 13

1K 41 12
                                    

Being able to wait is a sign of true love and patience. Anyone can say "I love you". But not everyone can wait and prove that it's true.

-ctto

------------+----------+-------------+---------------

Jackie's Point of View

<showtime studio>

"Jackie..." Tawag ni Vice habang may romantikong backround music ang tumugtog. Naghiyawan ang mga tao.

Lumingon ako humarap kay Vice, hindi pa rin lumalapit.

"Jackie, lumapit ka naman. Ano? Ako lagi maghahabol sayo?" Pambabara ni Vice. May tumunog na nabasag sa bg ni MOD.

Natatawa akong lumapit at nakipagtitigan kay Vice.

"Jackie, hindi pa rin ako makamove-on nung hinarana mo ko kahapon. May pa-guitara ka pang nalalaman." Sabi nito habang ang mga tao ay nakaabang sa mga susunod na mangyayari.

"....." Tinapat ni Vice ang mic pero hindi ako makahanap ng tamang salita na sasabihin. Magtha-thank you ba ko? Or babanat sa kaniya.

"Speechless ka Jackie noh? Ganiyan ang naramdaman ko kahapon. Yung tipong marami kang gusto sabihin pero wala kang masabi." Malamyos nitong pagkakasabi.

"Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh." Pag-amin ko dito.

"Pero aminin mo sis, ang ganda ng pagkakadeliver niya sayo nung kanta ah. I felt the overflowing emotions." Komento ni Anne.

"Jackie, dahil sayo hindi ako nakatulog nang maayos. Masama pa ata ang pakiramdam ko. Pero ngayong nakita kita, parang bumubuti ang pakiramdam ko." Marahang sabi ni Vice. Yan na naman ang mga titig niyang nakakatunaw.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa dibdib niya.

"Kung ganun, Vice, pagagalingin kita gamit ang mahiwagang musika ng mekeni mekeni." Sabi ko dito dahil wala na kong maisip na ibang sasabihin. Parang nagbubuhol ang dila ko.

"Sige nga, Jackie." Nabuhayang sabi ni Vice at tinapat sakin ang mic.

"Samahan mo na ng sayaw, Jackie." Suhestyon ni Anne. Hindi ko alam kung anong kahibangan ang gagawin ko pero keri na. Bahala na.

"Mekeni mekeni, dugdug doremi. Mekeni mekeni, dugdug doremi. Mekeni mekeni dugdug doremi." Kanta ko na may kasamang sayaw. Kinembot ko ang balakang ko at sinabayan ng paghawi ng buhok.

Tawa nang tawa sila Vice at ate Anne pati na ang mga tao. Natapos ko na ang ginawa ko pero si Vice tumatawa pa rin. Napangiti na lang rin ako. Proud ako na kahit paano, napapasaya ko si Vice. Mukha kasi siyang malungkot ngayon eh.

"Alam mo Jackie, hindi magbabago ang tingin ko sayo kahit mukha kanh tanga kanina hahahaha." Pang-ookray nito at di napigilang humagalpak sa tawa.

Sanay na ko sa mga pasimpleng panlalait nito. Hindi man lang ako na-ooffend, natatawa pa nga ako eh. Naalala ko yung tumulo yung sipon ko tapos kaharap ko siya, hiyang hiya ako nun. Habang siya tawang tawa. Buti nakatalikod ako nun sa mga tao.


"Uy Jackie, natulala ka diyan" Napabalik ako sa kasalukuyan nang niyugyog ako ni Madc.

"H-huh?" Nagtatakang tanong ko dito. Napatingin ako sa orasan. Ala singko na.

"Umalis na yung iba, tayo na lang natitira. Sabay ka ba saking umuwi?" Tanong nito. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang kami na lang pala. Masyadong napalalim ang iniisip ko at hindi ko na namalayan.

"Mauna ka na muna. Kaya ko ng umuwi mag-isa." Sabi ko dito at nagsimula nang ayusin ang mga gamit ko.

"Sige, ingat ka ah. Bye." Nagbeso beso muna kami bago siya lumabas ng dressing room namin.

ViceJack: Can't hold any longerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن