KABANATA 19

939 29 1
                                    


"Kapag hindi ka gumawa ng paraan para mapanatili mong nasa tabi mo ang taong gusto mo, panghabambuhay mong pagsisisihan na hinayaan mong nasa tabi siya ng iba." -

--------------+--------------+-----------+------------

Third Person's Point of View

Sabado, June 2

Mag-aalasais na nang matapos ang Tawag Ng Tanghalan Finals. Nakahinga nang maluwag ang Direktor dahil successful ang nangyaring event ng showtime. Umabot ng 36% ang overall ratings nito at trending worldwide.

Ngunit may isang taong balisa at tila hindi mapakali sa isang tabi. Si Vice.

"Archie, nandyan pa ba si Ronnie?" Tanong nito sa stylist niya.

Nasa loob na sila ng dressing room at panay tingin si Vice sa phone niya. Nakapagbihis na ito at ready ng umalis. May Victory Party ang mga showtime family ngunit mas pinili ni Vice na huwag na lang pumunta.

"Nandyan pa po ata, tawagin ko?" Tanong nito.

"Hindi, ako na lang pupunta, sige mauna na ko." Seryosong sabi ni Vice at kinuha na ang bag nito ngunit pinigilan siya ni Archie.

"Huwag, Vice. Bata ka pa." Natatawang sabi ni Archie ngunit kinunotan lang siya ng noo ni Vice. Hindi ata na-gets ang sinabi.

"Sabi mo kasi 'mauuna' ka na, means mauunang mamatay. Yun yung joke ni Aya kay Sid sa pelikulang Sid&Aya." Sabi ni Archie na nawiwirduhan sa pagkaslow ni Vice, first time yun.

"Duh, alam ko. Bahala ka nga diyan." Nagroll eyes lang si Vice at naglakad na paalis. Masyadong marami ang iniisip ni Vice kaya hindi na niya nabibigyang pansin ang mga taong bumabati sa kaniya habang naglalakad siya.

"Ronnie! Wait lang!" Tawag ni Vice kay Ronnie na pasakay na ng kotse sa parking lot.

Napatingin sa paligid si Ronnie na nag-iingat na baka may makakita sa kanila. Hinihingal si Vice na lumapit sa kaniya, partida nakaheels pa siya.

"Yung sabi mo kahapon. Yung plano niyo nila Tom. Bukas na yun diba?" Tanong ni Vice na nagkakandabuhol na ang dila sa pagmamadaling magsalita.

Nagtataka man ay tumango si Ronnie kay Vice.

"Balak ni Tom na i-surprise si Jackie sa airport kunwari kakarating niya lang galing Davao. Tapos may sayaw kaming i-peperform habang binibigyan ng bulalaklak si Jackie then ayun, magpopropose na siya. Bat mo natanong?" Paliwanag ni Ronnie. Tumingin siya sa paligid para masiguro na walang ibang nakarinig.

Pinipilit ni Vice na ipakita na hindi siya naaapektuhan. Ngumiti siya at umiling.

"Wala lang, natanong ko lang." Sabi ni Vice.

"Anong oras pala bukas?" Dagdag na tanong pa nito. Biglang may mga sasakyan na nagsipaglabasan sa parking lot kaya nagtago sila sa isang pillar.

"9 am. Basta huwag mong sabihin sa iba ah." Paninigurado ni Ronnie.

"Hindi naman ako chismosa noh. Sige, salamat." Nakangiting sabi ni Vice. Tumango na lang si Ronnie at sumakay na ng kotse.

Pagkaalis ng kotse ni Ronnie, napawi ang ngiti sa mga labi ni Vice. Napahawak siya sa dibdib niya na parang nagshishrink sa sakit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Basta ang alam niya lamang, kahit anong mangyari hindi dapat iyon matuloy.

*

Kakauwi lang sa bahay ni Jackie. Pagod na pagod siya at bagsak agad siya pagkauwi. Nasa Tagaytay ang mama niya at tanging siya lang naiwan sa bahay. Ang papa niya naman ay sampung taon nang nasa Qatar at hindi umuuwi sa Pinas.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now