KABANATA 23

1K 51 14
                                    

"Sa pagpikit ng mga matang tila luluha
Nabakas ang mga pangarap na naglahong parang bula

Mga pangakong binitawan at napako ng tuluyan
Tanging hangin ang naging saksi sa kagyat na paglisan" - pleasing grace

-------------+------------+----------+-------------

Third Person's Point of View

Isang nakabibinging sampal ang pumailanlang nang hindi mapigilan ni Jackie ang galit kay Tom. Napaawang ang bibig ni Tom gayundin sina Melvie at Madc na kasama ni Jackie. Nagulat rin si Vice nang hindi sinasadyang mapadaan siya rito at masaksihan ang nangyayari.

Sunod sunod ang pagtulo ng luha ni Jackie. Nagpaalam ang dalawang kaibigan ni Jackie na uuwi na para raw makapag-usap nang maayos ang dalawa ng sila lang.

"Ito ba yun Tom!? Ito ba yung sinasabi mong 'I want to spend my lifetime with you' !?" Nanggagalaiting sigaw ni Jackie.

Tila nabuhol ang dila ni Tom at kahit anong pilit niyang magpaliwanag ay hindi niya magawa. Ngayon lang niya nakitang ganito magalit si Jackie, isabay pa na humahagulgol ito sa iyak.

Pilit hinahawakan ni Tom ang siko ni Jackie ngunit tinatabig lang nito ang kamay niya.

"Let me explain, love." Madramang sabi ni Tom. Kita sa mata nito ang pagiging miserable sa sitwasyon. Ito na nga ba ang kinakatakot niya.

"Nagbulagbulagan ako sayo! Inintindi kita kasi alam kong may pinagdadaanan ka! Naniwala ako na mahal mo ko. Sinusubukan kong ibalik ang dati nating relasyon pero useless lang pala yun! Habang ako na naghihintay sa mga tawag mo, may iba ka palang nilalandi! Kaya mo ba ko niyayang magpakasal bigla? Kasi natatakot ka na malaman ko ang mga kasinungalingan mo?" Pinipilit ni Jackie na pakalmahin ang sarili niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng galit at sakit. Wala ng mapaglalagyan ang sakit na nadarama niya sa sobrang pag-uumapaw nito.

"Jackie, believe me, nagsisisi na ko sa mga ginawa kong yun. I told you before na marami akong bagay na mga narealize diba? I realized that you're the only woman I need." Sa wakas nakapagsalita na rin si Tom. Ang makitang umiiyak sa harap niya ang babaeng pinaka-importante sa kaniya, ay labis na nakakadurog ng puso. He realized how jerk and assh*le he was.

" I don't believe you anymore. You're nothing but lies!" Mariing sabi ni Jackie na nagdidilim ang paningin kay Tom.

Gustong lumapit ni Vice kina Tom at Jackie para pigilan ang dalawa sa pag-uusap. Gusto niyang ilayo si Jackie mula kay Tom. Natatakot siya na baka magkaayos pa ito kapag hinayaan niya ang dalawa na mag-usap.

Lalapit na sana si Vice nang may isang kamay ang pumigil sa kaniya. Paglingon niya ay nakita niya si Sir Luis, ang manager niya slash kaibigan. Umigting ang panga ni Vice nang umiling ito sa kaniya.

"Hayaan mo muna sila." Matigas na sabi nito. Aangal pa sina si Vice nang hinila na siya ni Sir Luis palayo.

Dinala siya ng kaniyang manager sa conference room ng Abs-Cbn. Magtatanong na sana ito kung ano ang kailangan niya nang nauna itong magtanong.

"Anong meron sa inyo ni Jackie?" Vice was caught off guard sa tanong ng manager niya. Hindi niya inaasahan na magtatanong ito ng ganoon.

"We're....friends." Hesitant na sabi ni Vice. Hindi pa ito sigurado kung kaibigan ba talaga ang tawag sa kanila ni Jackie. Wala silang label kaya ang pagkakaibigan na lang ang naisip niyang rason.

Seryoso siyang tinitigan ng kaniyang manager. Mata sa mata. Biglang kinabahan si Vice sa tinginan nito. Isa sa mga rules sa contract nila, between the management and the artist, ay ang pagbabawal na magkaroon ng karelasyon si Vice at isapubliko ito. Apparently, Vice and Jackie don't have any sort of intimate relationship...yet.

ViceJack: Can't hold any longerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن