KABANATA 20

1.2K 46 17
                                    

A/n: Pwede niyong i-play niyo yung Mundo ng IV of spades as background music. Hahaha yun lang. Enjoy Reading!

-------

"I wish I could explain your eyes, and how the sound of your voice gives me butterflies, how your smile  makes my heart skip a beat and how every time I'm with you, I feel so complete." -ctto

----------------+-----------+-----------+------------

Jackie's Point of View

Sunday, June 3
7:34 am

*Kriing Kriing*

Inaantok na kinuha ko ang phone ko sa bedside table.

"Hello?" Sabi ko nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag. Antok na antok ako at ang aga aga pa.

Napatingin ako sa screen ng phone ko at napabangon nang makita na si Vice ang tumatawag.

"Nasa labas ako." Sagot ng nasa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. Ano ngayon kung nasa lab-- wait, what!?

Napatayo ako at napatingin sa bintana. Nalaglag ang panga ko nang makita ang sports car ni Vice sa tapat ng bahay namin.

Naalala kong sinabi niya kagabi na magpapasama siya sakin ngayon pero hindi ko naman alam na ganito kaaga.

"What the hell?" Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Tumingin muna ako sa salamin, baka may muta pa ko o panis na laway, bago lumabas at harapin siya.

"Bat ang aga mo naman?" Bungad ko dito. Binulsa niya ang phone niya at ngumiti agad sakin nang makita akong  aaburido.

Sobrang gwapo niya ngayon, naka knee-length shorts, plain white v-neck shirt and a pair of sneakers. Ang simple pero malakas ang dating habang ako, bagong gising. Wtf.

"I already told you susunduin kita dba?" Simpleng sabi nito at mukhang enjoy na enjoy na makita akong bagong gising.

"Akala ko mga hapon pa." Sabi ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang ito.

"Sakin ka ngayong araw na 'to." Sabi nito at nilampasan ako. Tuloy tuloy itong pumasok sa loob ng bahay na akala mo siya ang may-ari. Nagulat naman ako sa sinabi nito.

'Saan darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa~'

Napasapo ako sa noo ko sa sobrang pagkawindang. Kagabi pa siya nag-aadik at kung anu ano pinagsasabi. Akala ko nga nagdedeliryo ito eh. Sabi niya pa huwag daw ako aalis ngayong Linggo dahil may pupuntahan kami. Eh ngayong araw ko susunduin si Tom sa airport. Kung kelan may pupuntahan ako tsaka siya magpapasama kung saan.

Pumasok na ko sa loob at naabutan siyang tinitignan ang mga pictures namin sa photo wall.

"Nagbreakfast ka na ba?" Tanong ko dito.

"Hindi pa, sabay na tayo magbreakfast, may alam akong cafe malapit dito." Sabi nito hindi pa rin lumilingon sakin at busy sa pagtingin ng mga pictures.

"Maliligo lang ako. Diyan ka lang ah." Sabi ko dito at umakyat na ko sa kwarto ko.

Pagtapos kong maligo, nagbihis lang ako ng isang white sleeveless loose top at mid-thigh maong shorts. Nagconverse lang ako at nagponytail. Naglagay ako ng konting make-up at darker shade ng lipstick.

Pagkababa ko, naabutan ko si Vice na tinitignan pa rin ang picture ko. Hindi pa ba siya tapos kakatingin diyan?

"Huy bakla, tara na. Kanina ka pa tingin nang tingin diyan ah." Sabi ko dito at tinapik sa balikat.

Lumingon ito sakin at pinakita ang isang picture frame namin ng family ko.

"Bat ang lungkot lungkot niyo dito?" Tanong niya. Tinignan ko ang picture frame. Seven years old palang ako dito.

ViceJack: Can't hold any longerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon