KABANATA 18

1.2K 33 13
                                    

A/n: Play niyo po yung external link as background music. Di Na Muli of Itchyworms rendered by Janine Teñoso. OST ng Sid&Aya.

----

"We intentionally commit mistakes because of our desire
to keep that person close,
even though that person
is not for us,
but we still forced to own them."

-Saturnina

------------+-----------+-----------+----------

Jackie's Point of View

Wednesday, May 30

After one week, nahimasmasan na na rin ako mula sa nangyari sa dressing room ni Vice. Countless of sleepless nights, tuliro moments and muntanga encounters.

Hindi ko nga alam kung bakit apektado pa rin ako, samantalang si Vice, back to normal naman kinabukasan nun.

Tumunog ang microwave, senyales na luto na ang popcorn. Kinuha ko ito at nilagay sa isang tupperware container, nilagyan ng cheese flavor at shinake.

Nandito ako sa condo ni Vice. Halos gabi gabi ata ako nandito except weekend. Pano ba naman, bigla na lang niya ako hihilahin sa kotse at isasama dito.

Kung ano ano pinapagawa niya sakin dito. Nagvavacuum, nagluluto at naglilinis ng mga agiw ang peg ko dito. Hindi ko alam na katulong pala ang pinunta ko dito.

Itong condo ay pag-aari ng celebrity friend ni Vice na sinangla sa kaniya, kaya lang di natubos kaya ginamit na rin ni Vice 'tong unit para di sayang pera. Mas malapit ito sa ABS CBN building kaysa sa bahay/mansion niya na dati kong pinuntahan.

Pagpasok ko ng kwarto, puro halakhak lang ni Vice ang nangingibabaw sa pinapanuod niyang international comedy film.

Padabog akong umupo sa sofa habang si Vice sa kama nakaupo. Kumuha ako ng unan at binato sa kaniya.

"Okay na yung popcorn, pwede na ba ko umalis?" Nakasimangot kong sabi sa kaniya. Ayaw niya kasi akong paalisin, mag-aalas otso na.

Kumuha siya ng malaking unan at binato sakin. Tinamaan ako kaya tinignan ko siya nang masama. Tawa lang siya ng tawa.

"Nakakatawa yun? Nakakatawa yun? Siraulo 'to." Sabi ko. Lumapit ako sa kaniya at hinampas siya. Hinila niya naman ako pahiga sa tabi niya at niwrestling.

"Aray ko." Reklamo ko at sinabunutan siya, wala siyang wig ngayon btw. Gamit ang mga braso niya hinarang niya yun sa leeg ko at sinakal ako.

Matapos namin magwrestling, umupo na lang ako sa kama katabi niya at nakinuod na rin.

"Ang daming cheese naman nito, gusto mo talaga ako magkasakit sa bato noh? Kakagaling ko nga lang sa sakit eh." Reklamo ni Vice. Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa tagiliran.

"Kung ikaw sana nagluto niyan noh? Ginagawa mo kong katulong dito. Bwiset 'to." Sabi ko na lang habang nakikikain ng popcorn.

"Eh uto-uto ka eh." Sabi nito kaya nilakasan ko ang hampas. Namumuro na sakin tong baklang toh.

"Bat ka ba kasi dito sa condo mo umuuwi, diba may bahay ka naman? Marami kang katulong dun at baka hinahanap ka na ng mga friends mong bekilu sa bahay mo." Sabi ko dito. Naalala ko sina Bonita, Nina, Archie at Rika na mga kaibigan niya na kasama niya sa bahay niya.

"Eh ayokong bumyahe nang malayo eh, may pasok pa ko bukas." Sabi na lang nito habang engrossed sa pinapanuod.

"Tsaka ayaw mo ba ko makasama? Pasalamat ka nga nasosolo mo ko eh." Dagdag nito.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now