KABANATA 3

1.4K 35 1
                                    

How can you call something valuable such as love, toxic?

It is when that love turned into obsession.

------------+------------+-------------+------

Jackque Gonzaga's Point of View

Tumingin ako sa phone ko at hinintay ang reply ni Tom. Sabi niya ita-try niya kong sunduuin. Nung mga first months namin, hatid sundo niya ko lagi, pero ngaon, medyo dumadalang.

Sabi ko sa kaniya, kaya ko namang umuwi mag-isa. Boyfriend ko siya at hindi driver para ihatid-sundo niya ko. Tsaka alam ko rin na may ibang ginagawa siya. Kaso mapilit, lagi niyang sinasabi na susunduin niya ako pero hindi naman sisipot. Sa huli uuwi rin akong mag-isa. Tsk.

Ilang araw o linggo niya na ba kong ginaganito? Tsk. Kinuha ko ulit ang phone ko at nireplyan siya na uuwi na lang ako mag-isa at hindi na siya hihintayin pa.

"Jackie....".

Aalis na sana ako nang may tumawag sakin. Lumingon ako at nagulat nang makita ko si ate Vice.

Agad akong ngumiti nang makita siya. Ewan ko ba. Pag nakikita ko talaga siya napapangiti na lang ako. Hindi lang naman ako ang nakakaranas nun eh. Kahit sino naman. Alam mo yung kakaibang good vibes na meron siya. Maski yung presensya niya lang, mapapangiti ka na. Maybe he's really a good person to make us feel this way.

"Kinilig ka naman agad?" Pang-aasar niya.

"Siyempre, lakas ng tama ko sayo eh" Biro ko. Kunwari nasa stage lang eh. Pero sa personal talaga binabara talaga namin ang isa't isa.

"Suuusss, trip mo na naman ako." Eto lagi niyang sinasabi sa mga ganitong klase ng usapan. Lakas maka-hearthrob neto, eh heart-throb rin pala gusto nito.

"Maiba lang ate Vice, akala ko ba absent ka, bat ka nandito?" Pangchange topic ko.

"Bakit? Pag-aari mo tong building? Pag-aari mo ganun? Bawal na ko dito ha? Ha?" Natawa ako. Vice na vice talaga ang datingan. Mas gusto ko yung ganitong usapan lang. Uncomfortable kasi para sakin mga banatan pag on stage eh. Bukod sa nacoconcious ako, napapaisip rin ako ng mga pambanat.

"Hindi naman hahaha" Parang mapupunit na naman yung labi ko sa ngiti at tawa. Kung kanina, down na down ako, ngayon okay na.

"Naku, naku, naku. Kinikilig na naman 'to. Anyway, dumaan lang ako rito kasi may kukunin ako kay Anne. Nandyan pa ba siya?"

"Hmm ewan. Try mo i-text." Suggest ko.

"Ano ako bobo? Hindi ko muna yun inisip yun bago pumunta dito? Ganun tingin mo sakin?" Imaginin niyo na lang boses at itsura ni Vice

"Sabi ko nga hindi. Kasi naman, bat mo itatanong sakin, eh hindi naman kami close ni ate Anne. Tsaka, mas maaga sila umuuwi kaysa samin noh. Bobo rin?" Pambawi ko sa kaniya na abad kong sinegundahan ng 'joke lang'. Siyempre, may galang rin ako sa nakakatanda. Haha.

"Waley kwenta tong kausap. Diyan ka na nga." Tatalikod na sana siya nang humarap ulit siya sakin

"Teka lang, uuwi ka na diba? Good. Samahan mo muna ako." Sabi ni vice at agad na hinila ako papunta sa sasakyan niya. In fairness, ang gara ah.

"Uy wait lang, hindi pa nga ako umo-oo, hinila mo na ko agad? Saan ba?" Reklamo ko pero huli na ang lahat, nasa loob na ko ng sasakyan.

Hindi siya sumagot at sinarado na ang pinto ng sasakyan at umikot papunta sa driver's seat.

"Nagmamaneho ka? Angas naman neto." Amaze kong sabi. Ang akala ko kasi puro driver ang nagdadrive sa kaniya. Nagulat lang ako.

"Ako pa ba?" Sabi niya sabay kindat nang panlalaki. Kung vain lang ako na babae, baka nahulog na ko sa mga paganyan ganyan niya. Ang pogi kasi talaga neto.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now