KABANATA 22

1K 52 17
                                    

A/n: Watch niyo po yung nasa taas.

----

"In love there's a war. A battle between the heart and the mind. A fight against the truth and a lie. However, in the end what matters the most is who will stay alive." -Sirene

------------+------------+------------+---------

Jackie's Point of View

'A hundred and five is the number that comes to my head
When I think of all the years I wanna be with you
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to do, yeah.'

Matapos ang kanta, nagsigawan ang mga kaibigang hashtags ni Tom habang ako tulala pa rin. Parang kanina lang nagrerehearse ako ng 'cool off' speach ko na sasabihin kay Tom, tapos may proposal na ganito? Damn.

Nilibot ko ang paningin ko. Napapalibutan kami ng mga tao na kaniya kaniyang kuha ng litrato o video.

Nabaling ang atensyon ko kay Tom nang hinawakan niya ang kamay ko. Matamis siyang ngumiti sakin at tumitig.

"No words can express how lucky I am to have you as my significant other. Ayaw na kitang pakawalan pa, Jackie." Sinserong wika nito nang tumigil ito saglit at may kinuha sa bulsa.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Napatingin muli ako sa paligid at tumigil kay Tom ang paningin ko. The whole time na nangyayari 'to, alam ko na kung para saan 'to. Pero hindi pa ako handa.

Luluhod na sana si Tom nang pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pagyakap. I buried my face on his neck at huminga nang malalim. Ayaw kong mapahiya siya sa mga tao, at mas lalong ayaw kong magpatuloy pa ang gagawin niya. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa sa kung anumang iaalok niya. Hindi... hindi pwede. Sigh.

"What's wrong, love?" Mahinang sabi niya. Sunod sunod na pumatak ang luha ko, not because of joy, but out of guilt.

"T-this is so... unexpected. Masyado pang maaga, Tom." Sabi ko habang tumutulo pa rin ang mga luha.

"I know. Hindi naman kita minamadali. I'm proposing to you so you will know that I'm looking forward to our relationship. I just realized many things. At isa na doon ay ikaw. I want to be a good man for you, because I know you deserve more." Sincere na sabi nito.

It broke my heart to reject his offer of marriage. Dati naman sigurado ako sa kaniya, pero bakit ngayon, parang...may mali at hindi tama. Maybe because this whole damn idea of marriage with him all of a sudden is scaring the hell out of me.

"We need to fix our relationship first, Tom. Marriage is not a solution." Sabi ko rito.

"I know, I'm sorry. We'll fix ours before I offer this marriage with you again. So... it's a no?" Tanong nito at nahalata ko ang disappointment sa tono nito. Tumango ako sa tanong nito at mahinang nagsorry.

"It's okay. Just...just don't reject me in front of these people. It hurts my ego, you know." Sabi nito at pilit na tumawa sa huling sinabi.

Kumalas siya sa yakap at ngumiti. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Nagthumbs up siya sa mga kaibigan niya kaya naghiyawan ang mga tao pati na ang kaibigan niya.

Nangunot ang noo ko dahil mukhang na-misunderstood ata nila ang nangyari. Akala siguro nila tinanggap ko ang proposal.

"Tom.." bumaling ako kay Tom ngunit hinapit niya lang ako sa bewang at bumulong.

"Makisakay ka na lang please. Mapapahiya ako kapag nalaman nilang 'no' ang sagot mo sakin." Bulong nito habang pekeng ngumingiti sa mga tao.

.

ViceJack: Can't hold any longerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon