KABANATA 24

1.4K 50 8
                                    

 
"A strong person knows how to keep their life in order. Even with tears in their eyes, they still manage to say "I'm okay" with a smile." -@ deepestmassages (twitter)

-----------+------------+------------+-------------

Jackie's Point of View

Saturday

"Vie, pahiram muna ng heels oh. Nakalimutan ko bumili ng bago eh." Sabi ko kay Melvie habang busy sa pag-aayos sa harap ng vanity mirror.

Naglakad siya papunta sa locker niya at kinuha ang heels niya. Lumingon siya sakin inabot ang isang paper bag.

"Siguraduhin mong hindi ka na madadapa sa stage ah." Sabi nito habang nakangiti. Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Iisa lang kasi ang heels ko kaso nasira pa.

"Tsaka Jackie, medyo masakit pa yan sa paa. Bagong bili ko lang yan last week eh. Magband aid ka na lang." Dagdag pa nito habang sinusuot ko na ang heels. Ilang minuto na lang matatapos na ang commercial break at magmimiss q and a.

"Okay lang. Magfootsocks na lang ako. Saglit ko lang naman 'to susuotin." Nakangiti kong sabi rito.

Parehas lang kami ng size ng paa. Four inches rin kaso may pagka-stiletto. Medyo masakit nga siya sa paa pero keri lang, saglit ko lang naman siya masusuot eh.

Nagbuzz na ang speaker, hudyat na isang minuto na lang ay mag-aair na ulit ang show. Dali dali kaming lumabas ng dressing room at sumakay ng elevator. Ngunit napabalik ako sa dressing room nang may makalimutan ako.

Pagkakuha ko ng phone ko, napatakbo na ako papunta sa elevator. Medyo napatagal ang paghihintay ko sa elevator buti na lang may dumating bago ko pa mapagdesisyunan na maghagdan

Kaso pagkasakay ko, si Lilenna na isang girltrend, lang ang tao sa loob ng elevator. Pumasok na ko at pinindot ang floor na papunta sa studio.

"Hi Jackie!" Napalingon ako kay Lilenna at awkward na nag-hi rin.

Sarcastic itong ngumisi sakin habang pasimpleng tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Naging magschoolmate kami noong college sa Mirriam College. Hindi naman kami naging close pero ramdam ko ang pagiging mailap niya sakin. Bumukas na ang elevator.

"Tsk social climber." Bulong nito bago naunang lumabas ng elevator.

Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa studio. Napadaan ako sa backstage at nakita ang tatlong lalaban sa Miss Q and A.

"Hi po miss Jackie." Bati nila sakin. Napalingon ang ilang staff sakin kaya nahihiya akong bumati pabalik. Nag-goodluck ako sa kanila bago pumasok sa studio na kalaunan ay nagsimula na.

Ilang beses nagtagpo ang paningin namin ni Vice habang naghohost siya. Hindi ko rin mapigilang matawa sa kulitan nila ni ate Anne.

"Balakadyan, Anne. Oh eto na, tawagin na natin si Jackie." Naglakad na ko palapit at umikot. Pagkabunot ng tanong ng contestant sa fishbowl, naglakad na ko pabalik. Bago pa ako makabalik, tinawag na ko ni Vice.

"Jackie..." Malakas na nagtilian ang mga manunuod habang nagpatugtog ng background music si MOD.

Lumingon ako at ngumiti sa lahat ng tao. Lumapit sakin si Vice at nginitian.

"Kamusta ka, Jackie? Ang lamig lamig tapos may pa-slit ka pa. Sexy ah." Puna nito sa damit ko. Tinapat nito ang mic sakin hudyat na magsalita ako.

"Sexy ka rin naman, Vice." Pagkasabi ko nun, may tumunog na nabasag sa background music. Napahagalpak si ate Anne sa tawa habang si Vice sinamaan lang ng tingin ito.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now