KABANATA 4

1.2K 37 3
                                    

IKAAPAT NA KABANATA

When I saw you
I fell in love, and
You smiled
Because you knew

-W. Shakespeare

-------+------+-------+-------+-------+---------

Jose Marie Viceral's Point of View

Friday, April 20th

Nauna ang mga kasamahan ko na showtime hosts sa flight papuntang Balesin Island. Nagpahuli ako kasi may mga inasikaso ako.

Napasapak ako sa sarili ko dahil nakalimutan kong hingin ang number ni Jackie (Jackque talaga ang spelling xd).

Asar din ako dito sa mga kasambahay ko na chinika pa ako magdamag kagabi about kay Jackie. Kesyo bat ko daw siya kasama, kung totohanan na ba. Sinapak ko nga isa isa. Baka marinig ni Chip In, magtampo pa yun sakin.

Medyo natagalan ang pagdating ko sa mismong lugar. Kaya di na ko nakapaglibot libot pa at diretso na sa pag-aayos ng sarili.

Sobrang ganda nung kasal. The flowers, the view and ambiance. Idagdag mo pa ang sariwang amoy ng mga bulaklak na talagang nagpaganda dito. It looks all so magical.

Naiyak din ako sa wedding vows nila. Parang four years ago lang, binibiro pa si Coleen ni Billy kung kailan siya sasagutin neto ngunit heto, kinakasal na sila. I believe in true love na talaga.

Ang akala ng lahat, walang seryoso at pangmatagalang pag-iibigan pag isa kang artista. But they're wrong. I've witnessed several weddings ng mga artista at hindi ko talaga mapigilan ang sariling huwag umiyak.

Bumabalik na naman ang lahat ng panghihinayang at pagsisisi ko tuwing nakakatagpo ako ng ganitong eksena. Naalala ko ang araw kung kailan inaannounce sa amin ni Karylle na ikakasal na siya.

Gumuho ang mundo ko noon at wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko noong panahong iyon. Alam ko na gusto ko si Karylle noon at alam ko rin na gusto niya rin ako. Pero natakot kasi ako noon eh. Na baka infatuated lang ako at lilipas rin ang nararamdaman ko.

Sa mahabang panahon na kasama ko siya at nagsisimula pa lang ako sa mundo ng showbiz, marami na rin akong memories na kasama siya.

At dahil nagsisimula pa lang ako noon, inenjoy ko lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nagsimula nga ang loveteam namin sa showtime ng 2012 at masasabi kong isa yun sa pinakamasayang panahon ng buhay ko.

Sunod sunod ang tagumpay ko. Nagblockbuster ang mga pelikula na pinapangunahan ko. Sunod sunod rin ang mga commercials na nag-oofder sakin noon pati na ang endorsement. Sabay sabay rin ang pagcover ko sa mga sikat na magazines. Kaya hindi ko na pinagtuunan ang feelings ko noon para sa kaniya.

Marami akong nakilalang malalaking artista mapababae at lalaki. Marami rin akong naging secret relationships. At nang nalaman ko na ikakasal na siya sa jowa pa lang niya noon, sobra akong nasaktan.

Dahil doon, mas pinagtuunan ko ng pansin ang career ko. Mas nagfocus rin ako sa panlalalaki ko. Natural naman iyon eh. Sa iba't ibang sikat na bar, iba't ibang lalaki rin ang nakikilala ko. Lumawak ang social network ko. Binaon ko na lang ang mga sakit na naramdaman ko noon dahil wala naman iyong meaning para sa iba.

At ngayong nakakawitness na naman ako ng kinakasal, nahuhukay ko na naman ulit ang feelings kong iyon.

Marami akong what ifs. What if...umamin ako sa kaniya. Na hindi siya kinasal kay Yael at kami sa huli? Umiling ako at piniling ang ulo sa iba.

Nag-excused muna ako sa mga katabi ko at dumiretso sa cr. Kung nagtatanong kayo kung aling cr ang pinupuntahan ko, sa men's. Hindi naman ako ladies no.

Pagtapos ko sa cr, bumalik ako sa ceremony hanggang natapos at nagreception na kami.

Marami akong nakilala na mga kaibigan ng mag-asawa. Nilibang ko na lang sarili ko sa pakikipagsocial interaction.

Dumiretso na ako sa hotel room ko matapos ang lahat ng iyon. Uminom muna ako ng ilang mga gamot ko bago naghanda sa pagtulog.

Pero bago yan, nagsend muna ako ng mga pictures sa gc namin sa showtime hosts. In-update ko rin si Anne tungkol sa mga happenings ng kasal.

Nag-instagram muna ako at nagpost ng ilang mga pictures ko at nagbrowse. Binisita ko ang Igstory ni Jackie. Nasa Baguio ang loka kasama ang jowa. Aba't ang sweet sweet. Naku malaman lang niyan ang pinaggagawa niyang si Tom, hindi iyan makakangiti ng ganyan.

Nawalan ako ng gana. Hindi ko alam kung bakit. Pinanuod ko lang ng paulit ulit ang igstory ni Jackie hanggang sa magising ako sa katotohanan na may ibang nagpapangiti sa kaniya. Akala ko kasi...

Pinatay ko na ang phone ko at natulog na.

Hindi ko ma-enjoy ang paglilibot sa buong resort gaano man kaganda at kamamahalin ito. Pinilit ko na lang ang sarili ko na magmukhang masaya which is hindi mahirap kasi marami namang rason para maging masaya.

May nakalandian pa akong mga hotdogs. At mukhang trip ako nitong taga-UST men's volleyball, ano nga ulit pangalan nito? Di ko na maalala.

Masaya naman ako hanggang sa bumalik kami ng Manila. Marami pa akong ginawa at abala ako sa mga social sites ko. Actually, abalang tao talaga ako. Sa dami ba naman ng kausap ko.

Hanggang sa maglunes at balik trabaho ulit. Hindi ko alam kung bakit excited ako eh 8 years na akong dito nagtatrabaho. Dati dumating pa nga ako sa punto na kinatatamaran ko na ang pumunta dito pero iba talaga these past few months.

A/n (Author's Note) Wag niyo na lang basahin, rant ko lang 'to.

Guys, in real life nila meme Vice at ate gurl, wag naman tayong masyadong umasa. Sige kayo, masasaktan lang kayo. Ako nga eh, halos magkataning na ang buhay ko at sumabog na ang puso ko sa sakit na hopiatitis.

Medyo magulo kasi ang happenings ngayon. Nagwawala ang mga fans ng Vicejack dahil sa pinost ni Jackiebebe ng pic sa ig with her bf, Tom. Syempre maraming bashers. Marami ring nag-aala-psychologist kesyo may feelings daw si vice chuchu. Kung ano man ang totoong nararamdaman ni vice, labas na tayo doon. Wag tayong mag-ala-manang auring sa panghuhula sa real life nila.

Bale ang timeline sa story nila na ito ay April 22. Meaning, dinedelay ko para kahit papano magkatugma ang mga nangyari tas lalagyan ko lang ng konting twist.

Ang masasabi ko lang, hindi man mangyari ang mga gusto natin in real life, atleast sa wattpad, walang impossible. Remember that.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now