KABANATA 9

1.3K 40 18
                                    

"it's crazy to me that you can physically feel your heart skip when you see or hear something that you really care about" - Shawn Mendes

-----------+----------+-----------+------------

Third person's point of view

Sunday

Katatapos lang ng ilang rehearsals ni Vice. Alas otso na pero ayaw pa rin niyang umuwi, may gumugulo kasi sa isipan niya. Hindi niya na maintindihan ang kaniyang sarili nito mga nakaraang linggo. Sobrang litong lito na siya isama pa na pagod na pagod na rin mula sa sunod sunod na trabaho at kabilaang endorsement at rehearsals para sa concert niya next week.

"Vice, hindi ka pa ba uuwi? Gusto mong sumama muna samin?" Tanong ng isang kaibigan niya na prod manager. May celebration party sila para sa success ng pgt na nagfinals kahapon. Kasama sa selebrasyon ang mga contestant.

Agad niyang tinanggihan ito at sinabi na kailangan niya ng magpahinga agad dahil may trabaho pa siya sa showtime kinabukasan.

Dumiretso na siya sa van niya at sinandal ang likod sa backrest ng upuan. This time, bukod sa driver ay mag-isa lang siya sa van. Nauna na kasi umuwi ang personal stylist niya na si Bonita at isang gay friend niya rin na si Nina.

Binuksan niya ang phone niya at tinignan ang mga unread messages niya na galing kay Ronnie. Inaya niya kasi itong samahan siya sa concert niya sa Amerika at Canada. Kahit may ibang inaasikaso ang kasintahan, pumayag pa rin ito. Napangiti siya. Basta talaga pagdating sa kaniya, hindi siya matatanggihan ng binata.

Nagpost lang siya ng igstory at eto na naman siya, titignan ang Ig ni Jackie. Hindi siya nakafollow dito pero nakapublic naman ito kaya nakikita niya ang post nito. Gusto niya itong tanungin kung nakauwi ba siya nang maayos noong friday pero wala siyang number ni Jackie. Tuwing kasama niya kasi ito nakakalimutan niyang hingin ang number nito.

As much as possible, gusto ni Vice na magpaka-propesyonal. Hindi maitatanggi na may pagtingin siya kay Jackie ngunit alam niya ang limitasyon niya. Kahit bakla siya, hindi maiiwasan na magkagusto siya sa lalaki o babae. Kung ang mga babae nga ay may girl crush, syempre meron din siya.

Hindi niya nga rin alam kung ano ang nagustuhan niya kay Jackie. Marami na siyang nakitang magagandang babae, yung mga may mataas na kalibre gaya ng mga beauty queens, Janine Tugonon, Shamcey Supsup, Pia Wurtzbach, etc. Mga sikat na artista at kilala sa industriya ng showbiz, Bea Alonzo, Anne Curtis, Marian Rivera, Angel Locsin, Toni, Maja, Erich, etc. At lahat sila, inaamin niyang nagagandahan siya sa mga ito. Para sa isang baklang tulad niya, kaiinggitan siya ng mga kalalakihan dahil maswerte siya at nasilayan niya ang mga pinapangarap ng mga ito.

Kaya hindi niya malaman kung bakit mas tinamaan siya kay Jackie, na isang dancer lamang. Oo, nagagandahan siya rito. Pero may iba bukod dun...may ibang bagay na nagpapa-espesyal kay Jackie. At hindi nito mawari kung ano ito.

Sumakit ang ulo ni Vice sa kakaisip ng dahilan. Bat puro babae laman ng utak niya? Umiling siya at inisip ang mga mala-adonis na lalaking nasilayan niya. Si Luis Manzano, Jake Cuenca, Enchong Dee, Jm De Guzman...sino pa ba? Wala na siyang maisip pa. Mas lalong sumakit ang ulo niya sa kakaisip kaya hindi na siya nag-isip pa ng lalaki.

Naaala niya kung kailan nagsimula ang nararamdaman niyang ito kay Jackie. Two months ago...?

<Flashback: Showtime>

"Halina't magtanungan na tayo, tawagin na natin si ate girl." Anunsiyo ni Anne. Tumunog ang background music, naghiyawan ang mga tao.

Agad napatingin si Vice kay Jackie na papalapit. Naglakad ito at maayos na umikot at inabot ang fishbowl sa contestant.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now