KABANATA 7

1.2K 34 6
                                    

Sometimes you turn your eyes away on things that
you don't want to see
But it is in your heart that
sees the truth but choose
to ignore

----------+---------------+--------------

Jose Marie Viceral's Point of View

April 27, Friday at 8:46 pm

"Mamaya ka na nga kumain niyan, di ka mabubusog niyan. Nagdinner ka na ba? Wait."

Kinuha ko ang mga donuts sa kamay ni Jackie at nilagay sa platito.

Pumunta ako sa mga kitchen cabinets at naghanap ng matinong pwedeng iluto.

May nakita akong Mueller's Fettuccine at napagdesisyunan ko na pasta na lang ang lutuin. Hindi ako magaling magluto pero marunong naman akong sumunod ng instructions. Ano ako bobo?

"Anong gagawin mo? Wag mong sabihing magluluto ka?" Pang-uusisa ni Jackie.

"Natural, anong inaakala mong gagawin ko dito? Baka ipanghampas 'to sayo, pwede pa." Sabi ko habang hawak ang isang box ng Mueller's Fettuccine at inaambang ihahampas sa kaniya. Minsan, kailangan rin netong babaeng 'to ng dahas eh, pero syempre di ko gagawin yun, kawawa naman 'tong box ng fettuccine.

"Ang galing naman, marunong ka palang magluto. Para sakin ba yan? Anong iluluto mo? Panuod ah." Manghang wika nito.

"Ang dami mo namang tanong. Nakokunsumi ako sayo. Tsaka di mo na kailangang panuorin, di ko na tuloy malalagyan ng lason." Biro ko dito. Tumawa lang ito at pinanuod akong naghahanda ng ingredients. Pabalik balik rin ako kakahanap ng ilang kailangang lutuin. Sarili kong kusina di ko kabisado. Hindi ko naman 'to palaging ginagawa eh. Sana pala pinagluto ko muna yung kasambahay ko bago ko pinalayas. Pero babalik naman sila dito bukas.

Binasa kong mabuti ang recipes at mga instructions. Di ko pinapahalata na hindi ako maalam sa pagluto nito kahit ang totoo ay ngayon lang ako magluluto nito.

Bat di na lang itlog at hotdogs for dinner noh? Bat ngayon ko lang naisip. May pa-fettuccine pa kong nalalaman.

Habang seryoso akong sinusunod ang instructions, dumadaldal naman si Jackie at sinusundan ako ng tingin.

"Alam mo ate Vice, ang pogi mo tingnan habang nagluluto ka. Kaya siguro maraming kinikilig sayong babae. Sa showtime nga, di ko mapigilang kiligin eh. Syempre, babae rin ako noh. Di mo lang alam pero fan na fan ako ng ViceRylle since 2013. Pati yung ibang gay friends ko, sa una nandidiri pero kinikilig rin." Mahabang litanya ni Jackie. Hindi ko alam kung papansinin ko ba toh o uunahin ko tong ginagawa ko.

Kumuha ako ng kaldero at nilagyan ng tubig. Isinalang ko ito sa stove at hinintay na kumulo. Kumuha naman ako ng kawali, ihahanda ko na yung sauce.

Sabi dito, step 2, In a large saucepan, melt butter into cream over low heat. Add salt, pepper and garlic salt. Stir in cheese over medium heat until melted; this will thicken the sauce.

"Tsaka, maraming salamat ate vice. Napanuod ko yung fb live mo dati. Thank you for helping me. Dahil sayo, maraming nag-aaya at nag-iimbita sakin na mag guest sa mga shows on tv. Marami akong raket ngayon at kabila kabila ang mga events ko. Lahat ng ito ay dahil pinaambunan mo ko ng kasikatan." Wika ni Jackie. Napatingin ako sa kaniya at ramdam ko ang sensiridad, sincerity in English. Masarap pala sa feeling na may nagpapasalamat sayo nang personal dahil lang sa simpleng pagbibigay ng exposure.

Pinatay ko na ang stove dahil malambot na ang pasta. At hinalo halo ko naman ang sauce na niluluto ko sa saucepan.

"May disadvantage rin, maraming bashers, wala na kong privacy, di ko na hawak time ko pero ginusto ko naman to lahat, honestly. Kasi alam mo, nabilhan ko si mama ng bagong washing machine. Nabayaran ko yung balance ni mama sa loan na may malaking interes dahil sa pagpapaaral niya sakin. Nakakabili ako ng maintenance niya." Pagpapatuloy ni Jackie. Ngumiti ako kay Jackie.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now