KABANATA 6

1.1K 34 5
                                    

Sometimes, we hold on relationship not because
of love,
But because of the years
this relationship took us
And the memories that worth
remembering for, but can't
be felt the love anymore

------------------++-------------------

Jose Marie Viceral's Point of View

Nakatingin lang ako sa daanan habang nagdadrive. Medyo hindi ako makapagfocus dahil panay ang tingin ko sa tabi ko, kay Jackie.

Simula kasi kanina, hindi na siya nagsasalita. Yung dila niya ata naiwan sa bar kasama nung gagong jowa niya.

Nakatingin kang si Jackie sa labas ng bintana at hindi umiimik.

"Samahan mo muna ko." Basag ko sa katahimikan.

Lumingon siya sakin at kumunot ang noo.

"Saan?" Tanong nito.

"Sa condo ko. Wala yung mga kasambahay ko, walang magpapaligo kay Chip In kaya kailangan ko ng tulong mo." Sagot ko dito. Ngumiti siya at tumango. Hindi ko alam kung pinapakinggan ba ko nito.

Medyo traffic kaya nakatigil yung sasakyan ko. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Arlene at Miran, mga kasambahay ko, na umalis alis muna sila sa condo ko at bukas na sila bumalik.

Habang nagdadrive, hindi ko mapigilang isipan ang nangyari five months ago.

< Flashback >

Nasa isang bar kami sa Antipolo. Kasama ko mga friends kong bakla rin. Yung iba mga dati ko ng friends. Kasama ko rin yung hairstylist ko lagi na nag-aayos sakin pag may pupuntahan ako.

Isa ito sa mga sikat na bar dito at grand opening nila. May mga ilang showbiz friends akong nakilala at namukhaan. May ilan ding bar hopper, sikat na beauty and wellness blogger, some social media influencers, etc.

Sobrang laki nung place at yung table namin nasa second floor. From here, nakikita rin namin ang malawak na dance floor na punong puno ng tao sa first floor.

"Hey Vice, dapat sinama mo ang hashtags and your bachelor schoolmates sa feu." Sabi sakin ng isa sa friends ko na baklita rin.

"I did. Hindi nga rin ako dapat sasama pero pinilit lang ako ni Claire. Tsaka nagluluksa pa kami sa pagkawala ni Franco." Sabi ko dito.

Sa totoo lang, hindi man lang ako nag-eenjoy ngayon. Sobrang lungkot at nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng inaanak ko. It's December 17, but still, mabigat pa rin ang atmosphere sa showtime. Hindi pa rin kasi namin matanggap yung nangyari.

"Excuse me muna, magretouch lang ako." Paalam ko sa mga kasamahan ko.

"Samahan ka na namin. Gusto mo?" Alok ni Rika.

"Ano ako elementary student? Hindi makapag-cr mag-isa? Kailangan may kasama pa?" Untag ko dito. Nagtawanan lang sila at hinayaan na ako.

Along the way, marami pa akong nakasalubong na bumabati at pilit na nakikipag-usap. Ayoko mang masanay pero ganito talaga dito. Pag sikat ka, haharangin ka nila hanggang sa umihi ka na sa sarili mong pantalon, hindi ka pa rin tatantanan.

Siguro inabot ako ng 30 minutes bago nakapunta ng cr na sampung metro lang naman ang layo sa table namin. Kaloka, mukhang inaabangan pa ako sa labas nung ilang 'fans' na aalukin lang naman ako ng networking. May ibang mga 'guys' na mapagsamantala. Sus, lalaki pa rin ako kahit na kasinghaba ng great wall of china ang wig ko at kasingkapal ng paperworks ko ang make up ko. Alam ko ang likaw ng bituka niyang mga lalaking yan. Ilang milyones na rin ang naipa-meryenda ko sa mga yan noong baguhan pa ako sa ganitong lifestyle ko.

Paglabas ko, nagkunwari akong may kausap sa phone at dire diretso ang lakad. May mga nagtatangkang lumapit sakin kaya kumakaway na lang ako at tinuturo ang phone ko. Pinapangalandakan ko na 'Hoy may kausap ako, don't come near me.'

As much as possible, ayokong maka-offend ng tao. I'm being nice to everyone pero hindi naman maganda yung laging mabait to the point na hindi ko na ma-enjoy 'tong mga free time ko. Minsan na nga lang ako mag-enjoy eh.

Thankfully, nakapunta na ko sa table namin ng wala pang isang minuto. May mga ilan na sinundan ako hanggang dito sa table kaya heto, nagpapanggap pa rin ako ng may kausap sa phone ko kahit wala naman. Di ba ko titigilan nitong mga shokoy na 'to? Anong akala nila sakin, kaladkaring bakla? Na basta may hotdog, sige subo lang ako? May dignidad at delikadesa ako noh. Rare lang ang mga baklang gaya ko.

Nag-aaya ang ilang mga kasama ko sa dance floor. At dahil ayaw kong maiwan, sumama na lang ako sa kanila.

Sobrang sikip at dilim sa gitna ng dance floor. Nagfliflicker ang iba't ibang kulay ng ilaw na animoy pundido ang mga ito.

Ilang minuto rin tinagal ko doon bago ko napagpasyahan na maupo muna. Paalis na ako nang may nakita ako. Teka, si hashtag Tom Doromal 'toh ah? Bat nandito 'to?

Lalapitan ko sana at babatiin ngunit may kasayaw pala itong babae. At sa uri ng sayaw nila na masyadong mahalay, hindi mo aakalaing walang jowa itong si Tom. Teka, baka naman jowa niya yung kasayaw niya.

Tinignan kong mabuti yung gurl at agad napansin na hindi ito yun. Kahit papano naman kilala ko ang jowa nitong si Tom. Sa pagkakaalam ko, showtime dancer yun, di ko lang maalala yung name.

At yun ang unang beses na nakita ko si Tom na may potensyal magpaka-pakboy.

Hindi lang yun ang unang beses na nakita ko siyang may kahalayang ibang babae. Maraming beses na.

At pag tinatanong siya kung may gf, ang sagot niya lagi ay...

"What happens here, stays here"

Aba'y linyahang pakboy nga. Well, wala naman akong karapatang husgahan siya. Kahit dati naman na usap usapan na sinadya niyang patayin si Franco, no comment lang ako doon. Dahil alam ko ang pakiramdam ng mahusgahan. Pero ang ayoko sa lahat, ay ang pakiramdam na niloloko. Naawa ako bigla sa gf niya. Mukhang inosente pa man din at mabait. Hindi niya deserve ito.

Kaya tuwing nakikita ko si Jackie sa showtime. I always try my best na napapasaya ko siya. Hindi man sapat yun para sa sakit na mararanasan niya in the future, maihanda ko man lang ang puso niya sa sakit.

Prevention is better than cure. Hindi ko man ma-prevent ang mga mangyayari sa sandaling malaman niya ang kagaguhan ng bf niya, atleast preparedness will make the pain bearable and tolerable.

"Nandito na tayo. Labas na " Untag ko sa katahimikan. Lumingon sakin si Jackie na pinipilit ngumiti.

"Don't. Ayokong nagpapanggap kang masaya 'pag kasama ako. It's too much. Dahil alam kong hindi ka naman talaga masaya kasama ako." Sabi ko dito. Feeling ko tuloy ang drama ng binitawang linya ko.

Bumaba na kami ng sasakyan at dumiretso sa building ng condo ko.

Pagpasok ko pa lang, bumungad na sakin si Chip In. Agad na napangiti ako at napayakap dito.

Napatili rin si Jackie nang makita ito. Sobrang cute daw kasi nito. Nanliit tuloy ako. Yung feeling na mas napapasaya siya nung aso kaysa sa tulad kong kabayo. Charot.

Mas lalo akong napangiti dahil mukhang masaya na ngayon si Jackie.

"Tara paliguan natin si baby Chip In. Teka gusto mo ba muna kumain?" Tanong ko dito.

Tumango ito sakin at dumiretso sa kitchen.

"Alam mo, ayoko mang isipin pero mukhang ikaw lang lagi nakakaubos ng pagkain ko dito." Sabi ko dito habang sumusunod sa kaniya sa kitchen

"Grabe ka naman. Ikaw tong nag-aaya eh. Parang mauubusan ka ng pagkain eh ang daming foods dito oh." Excited nitong sabi.

"Basta unahin mong kainin yung mga pa-expired na para di masayang." Biro ko dito

"Hay nako, kahit ano pa yan. Lahat kinakain ko." Sabi naman nito habang nangingielam sa double door refrigerator ko.

"Kainin mo nga ako." Napatakip ako sa bibig ko nang dahil sa mga salitang lumabas dito. Shet. Sana di niya narinig.

"Bat naman kita kakainin, masarap ka ba?" Kung nagulat ako sa sinabi ko, mas nagulat ako sa sinabi niya. Gagang babae 'toh. Bibigyan ako ng heart attack.

"Joke lang ate Vice. Ginantihan ko lang yung joke mo. Hahahaha." Sabi nito habang tumatawa at may kagat kagat na Krispy Kreme ata o Jco na donut sa bibig. Takaw talaga nito. Kutusan ko 'to eh.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now