KABANATA 17

1.1K 42 5
                                    

"You'll never know, ang pag-ibig parang magnanakaw yan, hindi mo alam kung kelan aatake, at kapag napasok na nito ang puso mo magugulat ka na lang dahil wala na itong tinira para sayo." -Jen (Our Asymptotic Love Story)

-----------+-----------+-----------+-----------

Third Person's Point of View

Tuesday

"Nakita mo yung dress ko?" Tanong ni Jackie sa kaibigan niyang showtime dancer din na si Melvie.

After noong pagbabalik kahapon ni Vice sa showtime, balik sa normal ang lahat. Tuesday and Thursday na lang ang Miss q and a. Tapos sa mga susunod na linggo, wala na muna ang ibang segment ng showtime dahil magfofocus ang show sa Tawag Ng Tanghalan.

Matapos makapagbihis ni Jackie, dumiretso na ito sa studio. Nag-aayos ang mga staffs ng stage para sa miss q and a habang commercial break.

Habang nakaupo at nagtetext si Jackie sa audience seat, hindi mapigilang mapatingin sa kaniya si Vice na nasa dulo ng stage. Natatawa pa rin ito nang maalala ang nakakahiyang sinapit nito.

Nagsimula na ang miss q and a. Hindi mapigilang magreply ni Jackie sa mga text ni Tom. Nagrereklamo kasi ang huli dahil sa mga pinagagawa ng daddy nito sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Vice dahil habang nagsasalita sila ni Anne at Bella, hindi niya mapigilang mapatingin sa direksyon ni Jackie na busy pa rin sa pagtetext.

"At ngayon, tatawagin na natin ang matagal na naghihintay sa pagbabalik mo." Tukoy ni Anne kay Jackie. Malakas na hiyawan ng tao ang nangingibabaw sa background music ni MOD.

Naglakad na si Jackie papunta sa harap at umikot. Pagkakuha ng contestant ng tanong naglakad na ito paalis. Sinabihan kasi si Jackie ng coordinator na huwag magtatagal at baka mag-overtime.

Bago pa nakaalis si Jackie, tinawag na nito ni Vice.

"Jackie..." At mas lalong lumakas ang sigawan ng manunuod. Si Anne, natatawa na lang.

Lumingon si Jackie dito at lumapit kay Vice.

"Jackie, tinawag lang kita. Wala kong sinabing lumapit ka." Natatawang sabi ni Vice. 'Pinagtitripan na naman ako nito' isip ni Jackie. Tumalikod dito si Jackie at akmang aalis ulit nang tinawag ulit siya ni Vice

"De joke lang, Jackie. Lapit ka dito." Bawi ni Vice.

"Namiss niyo ang isa't isa ah." Singit ni Anne habang ang ilan staff, sumesenyas na huwag mag-oovertime. May 20 minutes pa naman.

Tumunog ang background music na 'I can't fight this feeling anymore' ni MOD.

"Jackie, sobrang namiss kita." Sabi dito ni Vice. Natawa lang si Jackie. Parang hindi sila nagkita nung Linggo ah.

"Baliw, Jackie, namiss talaga kita. Halos isang buwan tayong hindi nagkita." Sabi ni Vice na ang tinutukoy ay ang mga panahong minsan lang sila magkita sa segment na miss q and a. Hindi naman kasi alam ng mga tao na nagkikita sila off stage kaya ayun ang sinabi ni Vice.

"Ako rin, Vice. Namiss din kita." Pagsakay ni Jackie sa trip nito. Naghiyawan na naman ang mga tao.

"Sa bawat tao na nakakasalubong ko sa concert ko, lagi ka nilang hinahanap sakin. Tinatanong kung totoo ba ang sayo Jackie." Sabi ni Vice at hinawakan niya ang likod ng tenga ni Jackie na lagi niya namang ginagawa. Napaigpi si Jackie nang maramdaman ang kiliti sa parteng iyon.

Tinanong siya noong Linggo ni Vice kung saan malakas ang kiliti niya at sinabi niyang sa likod ng tenga.

Napangisi si Vice nang maalala na malakas ang kiliti ni Jackie doon.

ViceJack: Can't hold any longerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon