KABANATA 8

1K 38 5
                                    

It is not the sun nor the stars
that shines the brightest
It is in your eyes that I see my darkest world being lit up

-----------+-----------+------------+-------------

Jose Marie Viceral's Point of View

Sinusundan ko lang ng tingin si Jackie habang pinagsisilbihan ako. Naglagay siya ng pasta sa plato ko at nilagyan niya ng juice yung baso ko. Lakas maka-wife material. Maasikaso. Maalaga. Masarap magluto--ay ako pala yung nagluto.

Kakain na sana ako nang pinigilan niya ako.

"Pray muna tayo for the food ate vice." Sabi niya nang nakangiti. Siya na ang nagdasal habang ako tiningnan lang siya.

Habang kumakain, panay ang daldal na naman nitong babaeng 'to. Buti na lang madaldal rin ako kaya nasasabayan ko trip nito.

"Nga pala ate vice, diba concert mo na next week? May mga preparations ka bang pinaghahandaan?" Tanong nito.

Uminom muna ako ng juice bago sumagot dito.

"Actually, marami nga akong 'preparations na pinaghahandaan' eh. Obvious naman na busy akong tao. Di ko nga alam bat kita pinag-aaksayahan ng oras eh." Sagot ko dito nang binatukan ako bigla. Bat ang hilig mambatok nito? Close ba kami nito?

"Tsaka, sunod sunod na ang stage rehearsals ko para sa concert ko, sunod sunod kasi masyado kaya triggered ako lately. Tapos bukas, finals na ng PGT, may mga briefings pa kami bago yun." Sabi ko dito.

Marami talaga akong ginagawa this month. May ilang mga deals from diff brands na tinatanggihan ko na. Supposed to be, may movie dapat ako before the end of second quarter this year kaso tinake down ko na yung offer at sinabing sa last quarter na lang. I'm thinking of a leave muna sa work ko but they discouraged me to do it lalo na ngayon.

Pagtapos namin kumain, niligpit ko na ang mga plato't pinggan, kutsara at spoon, tinidor at fork sa lababo. Ako na lang muna maghuhugas. Napatingin ako sa nails ko na kakamanicure lang at pak na pak.

"Ako na lang ang maghuhugas ate Vice." Sabi niya nang nakangiti.

"Bat ba lagi kang nakangiti? Kinikilig ka ba o may binabalak kang masama? Creepy ah. Tsaka san na yung 'Vice Pogi' kanina? Naglaho na?" Pang-ookray ko dito. Parang wala lang sa kaniya lahat ng pang-ookray ko.

"Hehehe gusto mo ba 'Vice Pogi' tawag ko sayo? Eh kaso ayoko eh, si mama kurba lang dapat tumatawag sayo nun." Tukoy niya kay Karylle.

"Sino ba may sabing tawagin mo ko nun? Ayoko ng endearment ah. Salamat sa paghuhugas ah, ayokong masayang nails ko." Sabi ko sa kaniya. Kinuha ko ang pinagkainan ni Chip In at nilagay na rin sa lababo.

"Bilisan mo dyan papaliguan pa natin 'toh" Pagmamadali ko sa kaniya.

Pumunta na ko sa bathroom at kinuha yung planggana at dog shampoo ni Chip In. Kumuha rin ako sa cabinet ng fresh n' unused towels.

Tapos ko ng i-ready ang panligo ni Chip In pero wala pa rin si Jackie. Lumabas ako ng bathroom at pumunta sa kitchen. Pagtingin ko, wala na siya dun at tapos na rin maghugas. Nilibot ko ang tingin ko pero di ko siya makita.

Kinabahan ako. Umalis na kaya siya? Aakyat na sana ako para pumunta sa kwarto ko at kunin ang car keys ko nang nakita ko siya sa balcony. Nandito lang pala siya.

Paglapit ko, narinig kong may kausap siya sa phone. Mukhang masaya siya. Anyare?

"Talaga po?...Sige po, sige po. Salamatttt!...opo, have a good night din po." Sabi nito sa kausap niya.

"Ansabe?" Tanong ko habang nakahilig sa sliding door nitong balcony.

Ngumiti siya sakin at agad na dinambahan ako ng yakap at nagtatatalon.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now