KABANATA 12

1K 39 12
                                    

Jackie's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jackie's Point of View

Pagkakuha ko ng order kong dalawang kape pumunta na ko sa table namin.

"Oh." Inabot ko ang isang kape kay Vitto na agad niya namang tinanggap.

Nandito kami sa isang coffee shop sa baba lang ng studio. Inabangan niya kasi ako kanina pagkatapos ng miss q and a. Ten minutes lang ang commercial kaya kailangan ko nang umakyat.

"Bayad na ko ah, sige bye." Sabi ko. Akma na kong aalis nang pinigilan niya ako.

"Uy teka lang. Dito ka na muna." Pigil nito sakin.

"Alam ko namang aasarin mo na naman ako dahil sa nangyari kanina kaya wag na lang. Babush!" Sabi ko at tumalikod na.

"Saglit lang, hindi na kita aasarin pramis! Umupo ka muna." Sabi nito at hinila ako paupo sa sofa na kaharap ng kaniya.

"Take a deep breath, Jackie. Wag mo muna alalahanin yung nangyari kanina. Tanggap kita kahit mukha kang tanga kanina HAHAHAHAHA." Sabi ng kupal na 'to at di napigilang humagalpak sa tawa.

Pinaalala niya na naman ang nangyaring kahihiyan kanina. Pinagalitan ako ng coordinator namin. Pinagsabihan rin ako na huwag ng mauulit sa susunod.

Kung pwede lang lumubog sa kahihiyan kanina, siguro nag-ala-titanic na ko. Parang ayoko na ngang umakyat pabalik dun eh. Kaso ayokong umalis bigla, baka mas lalong pagalitan ako. Sigh.

"Tignan mo toh." Sabi ni Vitto at agad tumabi sakin sabay pakita ng phone niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang trending news article about sa nangyari kanina.

"Showtime dancer, pisikal na nasaktan sa ginawa ni Vice Ganda." What the heck? Anong klaseng headline yan? Lakas maka-fake news.

"Malamang paninira na naman yan ng iba. Masyadong pinalaki ang maliit na pangyayari." Sabi ni Vitto at agad nilayo ang phone sakin.

"Wait lang, pabasa ako nung article." Sabi ko habang inaabot ang phone niya na nilalayo sakin.

Binulsa niya ang phone niya at ginulo ang buhok ko.

"Huwag na, it's not good for you to read such a rubbish stuff." Sinabi lang nito. Sinamaan ko 'to ng tingin at hinawi ang kamay niyang gumugulo sa buhok ko.

"Ano ba, huwag mo ngang guluhin buhok ko." Pigil ko dito. Pinagtitinginan na kami dahil sa pinaggagawa niya.

Tinigil niya na ang paggulo sa buhok ko at sinakal na lang ako gamit ang braso niya.

"Ang kulit mo kas--" sabi nito nang may nagsalita sa likod namin.

"Jackie." Napalingon ako at nagulat nang si Vice ang nasa likod namin. Agad akong tumayo at inayos ang buhok ko.

"Ate Vice, ikaw pala yan." Bati ni Vitto dito. Hindi siya nito pinapansin at nakatingin lang sakin.

"Yes po?" Nakangiti kong sabi.

ViceJack: Can't hold any longerWhere stories live. Discover now