1. Eternal Envy

9.8K 329 187
                                    

QM's Note: Comment and Vote kung gusto nyo nang mabilis na update. (Walang pilitan lol.)

Wayo's POV

"Kit! Anong ginagawa mo dito?!"

Hindi ko inasahan na ang bestfriend ko ang bubungad sakin pagkabukas ko ng gate.

"Kanina po ako tumatawag sa phone mo Ai'Yo pero 'di mo sinasagot kaya nagpahatid na ako dito." mahinhin na paliwanag ni Kit.

Wait! Na-miss ko ang kahinhinan at kapinuhan nitong bestfriend ko. Hahaha!

Ngayon lang kasi kami ulit nagkita at nag-usap mula noong matapos ang school year dahil sa Sydney sila nagbakasyon ng pamilya nya.

Annual routine nila ang mangibang bansa tuwing bakasyon. Last year nga ay nasa Santorini sila!

Kainggit no? Sarap talaga maging mayaman!

"Sorry kung 'di ko napansin ang tawag mo. Busy kasi ako sa paglilinis nitong bahay. Kelan ka pa pala naka-uwi? Anong pasalubog mo sakin?" sobrang excited ng tono ko sa pagtatanong.

Nag-gesture rin ako na pumasok na kami sa loob ng bahay.

Sa kwarto ko sya niyayang pumunta.

"Kaninang madaling araw lang kami naka-uwi. Yung mga pasalubong ko sayo nasa bahay pa, 'di pa kasi kami nag-o-open ng mga baggage." sagot nya habang ini-scrutinize 'tong bahay namin.

"Kamusta kayo ni tita dito sa bagong bahay nyo?" tanong pa nya.

Kung sila Kit ay nagbakasyon nung end ng school year, kami naman ni Ma ay nag-'evacuate' dito sa bahay ng bagong asawa nya.

"Okay naman...." ngumiti ako ng tipid.

Don't get me wrong, okay naman talaga ang lagay namin dito ni Ma.

Kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw at 'di sinasaktan physically.

Mabait yung bago kong Papa.

Ang problema ay 'di kami tanggap nung dalawang stepbrother ko.

Hindi naman sila nang-aaway gaya ng mga napapanood ko sa mga cliché na teleserye pero ramdam ko yung aura na 'di kami welcome sa bahay na 'to.

"Buti naman kung ganon. Akala ko kasi ay mala-Cinderella na ang lagay nyo dito ni Tita. 'Di ka man lang kasi sumasagot sa mga message ko sayo sa messenger kaya clueless ako sa lagay nyo dito." relieved yung tono ni Kit.

Medyo natawa ako sa sinabi ni Kit.

Kapag talaga nagkaroon ng new family, kakambal nun ang plot ng Cinderella no? Haha.

"Baliw walang ganon. Sorry kung 'di ako nakaka-sagot sayo sa messenger. Nasira kasi yung smartphone ko. Naka-basic phone lang ako ngayon." I explained.

Bigla huminto sa paglalakad si Kit nung makita nya ang portrait ng mga stepbrother ko sa hallway.

"WTF Yo?!" yan na lang ang nasabi nya dahil sa gulat.

Natatawa ako sa itsura nya ngayon dahil ganyan na ganyan din ako nung nalaman ko kung sino ang mga anak ng stepdad ko.

Sino naman kasi ang mag-aakala na kapatid ko na ngayon yung mga heartthrob ng accounting faculty sa university namin?

"Gwapo ng mga kapatid ko no?" pagmamalaki ko kay Kit.

Hindi naman sya nakasagot dahil hanggang ngayon ay 'di pa rin sya makapaniwala sa mga nakikita nya.

"Hoy Kit! Baka malusaw na yang portrait ng mga kuya ko kakatitig mo." biro ko sa kanya.

"S-sila ang mga stepbrother mo Ai'Yo?" finally, nakarecover din sya.

ThirstyWhere stories live. Discover now