7. My First Love

3.3K 235 368
                                    

Qm's Note: 110 votes / 200 comments for the next update. Excited ako para sa next chapter. May rivalry wahaha!

Wayo's POV

"Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Pop?" binasag ko yung katahimikan dito sa kotse ni Oat.

Kanina pa kasi ako hindi mapakali kung anong dahilan at bakit parang iba yung epekto ni Pop sa kanya.

Alam mo yun? Parang may kakaibang 'tension' sa pagitan nilang dalawa.

Mag-bestfriend daw sila pero yung mga aura nila hindi tulad ng samin ni Kit

I hate to say this pero mas mukha talaga silang ex-lovers kesa mag-bestfriend.

May trace kasi ng bitterness akong na-notice sa kanilang dalawa. Lalo na sa part ni Oat.

"Wala." tipid na sagot ni Oat.

Ni-hindi nga sya tumingin sakin eh. Naka-focus lang yung paningin nya sa daan.

"Hindi pwedeng wala. Hindi naman ako ganun ka-dense Oat, I'm sensing something." I elucidated.

Napa-buntong hininga sya bago sumagot sakin.

"Yo, wala nga..." pagmamatigas nya.

Napakunot na ako ng noo.

"Wala? Okay wala. Kaya pala iritable ka kapag nagtatanong ako ng tungkol sa bestfriend mo. Kaya pala nung kinuwento ko sayo na may bago kaming kaklase na ang pangalan ay Pop ay 'di ka na nagpupumilit pumunta sa faculty namin. Kaya rin pala kanina nung nag-uusap kayo ay may something strange sa aura at facial expression mo. I swear, naniniwala ako sa 'wala' mo." nagre-resonate dito kotse nya yung sarcasm ko.

Hinintay kong magpaliwanag si Oat pero wala.

Tahimik lang talaga sya habang nagpapanggap na busy sa pagda-drive.

So papangatawanan nya yung 'wala' nya?!

Tangina! Nakakagigil!

Naghintay pa ako ng ilang seconds but it seems na wala talaga syang balak magpaliwanag.

Fine.

Tapusin na ang kagaguhan na 'to.

"Ihinto mo na sa gilid 'tong sasakyan. Bababa na ako Oat." I instructed with my casual yet cold tone.

"Yo naman..." binaling nya saglit sakin yung paningin nya.

"Wala lang talaga yun." dagdag pa nya.

Argh!

Nagpanting na yung tenga ko sa 'wala wala wala' nya!

"Ibaba mo na ako!" sumigaw na ako dahil sa inis.

Nag-park na si Oat sa gilid dahil don.

Agad ko namang binuksan yung pinto ng shotgun seat at mabilis na bumaba.

Naglakad ako palayo sa kotse ni Oat pero hinabol nya ako.

"Yo teka lang.. Bakit ka ba nagkakaganyan?" hinawakan nya ako sa braso.

I laugh in disbelief.

Tinabig ko yung kamay nyang nakahawak sakin bago ako humarap sa kanya.

"Bakit ako nagkakaganito? Tanungin mo kaya yang sarili mo?"

Napayuko si Oat.

Narinig kong huminga sya nang malalim bago nagsalita.

"Yo, minahal ko noon si Pop pero 'di nya na-reciprocate yung feelings ko dahil may iba na pala syang mahal. Yan ang dahilan kung bakit iritable ako kapag pinag-uusapan sya. Yan, na-satiate ko na ba ang curiosity mo? Sorry kung 'di ko masabi, natatakot kasi ako na baka mag-iba ang tingin mo sakin."

ThirstyWhere stories live. Discover now