5. My Brother, My Lover and My Enemy

3.5K 243 216
                                    

QM's Note: 90 votes / 150 comments for next update. (Bagalan nyo pag vote. Sarap pala sa utak na 'di ko kailangan mag update LOL.)

Wayo's POV

Tingin sa kaliwa.

Walang tao. Clear!

/run!

Next base stopover.

Tingin sa kanan.

Walang tao. Clear!

/run!

"Ahhhhhhhhh!" sigaw ko dahil nadulas ako habang tumatakbo.

Fuck! Basa pala yung tiles.

"Khun(Sir/Mr.) Yo!" mabilis na tumakbo palapit sakin yung katulong namin.

Tutulungan nya sana akong tumayo pero pinigilan ko sya.

Sobrang sakit kasi ng hip area ko dahil sa sama nang bagsak ko.

"Sorry Khun Yo, akala ko kasi ay pumasok na kayong magkakapatid kaya nag-mop na po ako ng sahig." paliwanag ng katulong namin.

"Okay lang P'. Ako po talaga ang may kasalanan dahil tumakbo ako."

Pinilit kong ngumiti sa kanya para wag na syang mag-alala pero mukhang walang effect.

Worried pa rin yung facial expression nya.

"Gusto nyo po bang tumawag na ako sa 911? Baka nabalian kayo ng buto Khun Yo." suggestion nya.

"Naku wag na P', 'di naman siguro ako nabalian. Lilipas din 'tong sakit." todo iling ako sa kanya.

"Sigurado po kayo?"

"Yup. Kuhanan nyo na lang po ako ng ice pack P'." I instructed.

"Sige po." mabilis syang sumunod sa utos ko.

Sinubukan kong tumayo sa sarili ko nung nakaalis na si P' pero hindi ko pa rin pala talaga kaya.

Masakit pa rin yung pwet ko.

Hays!

Ngayon tuloy ay nagsisisi na ako kung bakit nag-feeling secret agent ako dito sa loob ng bahay.

Wala eh, gusto ko kasing taguan si Kuya Pent dahil sa nangyari kahapon.

Hindi ko pa sya kayang harapin dahil fresh na fresh pa sa utak ko yung pag-subo nya sa daliri ko.

Siguradong magba-blush ako pag kaharap ko na sya at ayoko namang mangyari yun.

Baka kasi isipin nyang binigyan ko ng malisya yung ginawa nya.

Well, binigyan ko naman talaga.

Pero masisisi nyo ba ako? Medyo nagbago kasi yung tingin ko sa kanya dahil sa comment nya dun sa video ko.

"Bakit nakasalampak ka dyan?" may nagsalita mula sa likod ko.

Ugh!

Si Kuya Nick!

Anong sasabihin ko??

"Naglalampaso po ako hehe..." napangiwi na lang ako sa nasabi ko.

Tangina! Anong alibi yon?!

"Naglalampaso? Nang naka-upo? Pwet na ba ang ginagamit na pang-lampaso ngayon?" sarcastic na yung tono nya.

Mag-a-alibi pa sana ulit ako pero bigla nang dumating yung katulong namin.

"Khun Yo, ito na po yung ice pack na pinakuha mo. Masakit pa rin po ba yang likod nyo?"

There. I'm officially doomed!

ThirstyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon