45. My King

2.4K 220 345
                                    

Qm's Note: 130v and 300c for next update! (kung natatagalan kayo sa update, better ask yourselves. Haha!)

Wayo's POV

"Sino bang may birthday? Bakit napakadami mong niluto?" tanong ko kay Kit.

Andito kami ngayon sa dining room ng "future house" nila ni Pree.

"Walang may birthday. Na-excite lang talaga ako sa pag-bisita mo. I miss you so much bestfriend!"

What the heck?

Anong ka-cheesyhan 'tong kinukuda ng bestfriend ko?

Agad akong nag-rolleyes sa kanya.

"Miss my ass. Parang 'di naman tayo magkasama sa mall noong nakaraan."

"Magkasama nga tayo noong nakaraan Ai'Yo pero 'di naman tayo masyadong nagkapag-usap dahil kasama mo yung boyfriend mo."

"Ahhh okay. Sige na nga, payag na. So kamusta ka pala Ai'Kit all these months? I heard na tinuloy mo ang pagda-drop out mo sa university noong mawala ako. Other than that, wala na akong balita sayo."

After kong mag-salita ay nag-umpisa na akong maglagay ng viands ala Kit sa plate ko.

"Me? All these months? Bukod sa paghahanap namin sayo bestfriend, itong 'cooking' ang pinagka-abalahan ko. My time rin na tinutulungan ko si Dad sa officeworks."

Nag-umpisa na akong kumain habang nagsasalita si Kit.

"I see. Sorry bestfriend kung pinagod ko kayo ni Kuya Nick sa paghahanap sakin."

Napa-iling sya sa sinabi ko.

"Hindi ka lang samin dapat mag-sorry Ai'Yo. Pinag-alala at pinagod mo rin ang daddy mo, ang mommy mo at ang Kuya Pent mo.."

Halos binulong na lang ni Kit yung name ni Kuya Pent.

"Hinanap din ako ni Kuya Pent?" usisa ko.

"Okay lang ba sayo na pag-usapan sya?" Kit hesitated.

"Yes, I'm perfectly fine with it. Don't cha worry."

"Oh I see. Uhm, just like me and P'Nick, todo effort din si P'Pent sa paghahanap sayo."

"Really?"

"Yeah. Umiyak pa sya sa sakin one time, Ai'Yo. Akala nya tinutulungan kitang mag-tago."

"Ginawa nya talaga yan?"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Kit ngayon.

'Di ko inexpect na kayang gawin ni Kuya Pent ang mga ganyang bagay.

"Yes, he did. Tandang-tanda ko pa nga yung desperation sa mga mata nya. Dahil sa act na yun, I can safely say na mahal ka talaga nya bestfriend."

Napa-ngiti ako nang mapait sa huling sentence ni Kit.

Kung totoong mahal ako ni Kuya Pent, 'di nya sana ako niloko from the very first place.

"I see. Thanks sa infos, Ai'Kit. By the way, ang sarap ng luto mo." binago ko na ang usapan.

"Talaga ba? Or inuuto mo lang ako?" nagpipigil ng ngiti ngayon ang bestfriend ko.

"Hindi kita inuuto, masarap talaga. Nag-enroll ka ba sa culinary school or something?"

"Hindi Ai'Yo. Tinuruan lang ako ng chef namin dito."

"Ahh okay. Nga pala, may iku-kwento ako sayo Ai'Kit. Tungkol kay Pop."

Nanlaki ang singkit na mata ng bestfriend ko nung marinig nya ang pangalan ni Pop.

"Anong meron sa hayop na yun?!" he exclaimed.

ThirstyWhere stories live. Discover now