27. Pancakes and Hollandaise

2.7K 274 310
                                    


Wayo's POV

After akong ipakilala ni Dad sa mga colleagues nya ay dumiretso na ako agad dito sa kwarto ko.

Fuck!

Hindi ako prepared sa ginawa nyang yun.

I don't know what to feel right now.

Hindi ko magawang magsaya kahit napatunayan kong anak talaga ang turing sakin ng stepdad ko.

Wala eh, alam ko kasing mas naging komplikado ang lagay namin ngayon ni Kuya Pent.

Kung dati sa papel lang kami magkapatid, ngayon magkapatid na rin kami sa mata ng public.

Haaaaaaaaays.

Kasalanan talaga 'to ni Oat eh!

Kung 'di nya lang sana ako niloko ay wala ako ngayon sa dilemma na 'to.

Salot talaga sa buhay ko yung payatot na yun eh!

Pero teka nga, nasaan ba si Kuya Pent?

Gusto kong malaman ang say nya sa ginawa ni Dad.

•~•~•~•~•~•

"Kuya punta ka dito sa kwarto ko." text ko kay Kuya Pent nung na-i-dextrose ko ang phone ko sa charger.

Habang hinihintay ng reply/pagdating ni kuya ay nag-Instagram muna ako.

Madami akong notifs pero pagba-browse sa feed ang inatupag ko.

Nothing interesting.

Mga upload lang ni Kit ang nakakuha ng atensyon ko.

Pictures nila ni Pree na may kasamamg taong 'di ko kilala.

So totoo pala yung alibi nila na may pinuntahan silang tao? I mean, 'di sila nag-sex gaya ng inisip namin ni Ming.

Argh. Ako pala dapat ang panalo sa pustahan namin!

/searches Ming

/clicks suggested profile - moong.ming

/clicks send message

"Hoy Ming! Ako pala dapat ang panalo sa pustahan natin. Hindi nag-sex sila Pree gaya nang inisip natin. Tignan mo uploads ni Kit."

/sent

Offline si Ming so 'di ako nag-expect ng reply.

Ni-like/heart ko na lang muna yung mga Singapore posts nya.

Nasa last photo na ako nung bigla akong natigilan sa pag-like.

Kinabahan ako sa nabasa ko.

Liked by ohmy.serpent and 289 others.

Ni-like lang naman ni kuya yung selfie namin ni Ming pero bakit feeling ko this means war?

Mas lalo pa akong kinabahan upon reading the comments.

Lalo na don sa video greeting ko for Ming.

Inassume ng mga followers ni Ming na kami na!

Ugh. Knowing kuya, for sure nabasa nya ang mga yun.

I'm doomed!

•~•~•~•~•~•

Shit!

'Di ko namalayan na nakatulog pala ako kakahintay.

Agad kong kinapa ang phone ko dito sa kama para tignan ang oras at kung may reply na ba si kuya.

Sadly, wala syang reply.

Hays.

Galit nga ata sakin ang kuya kong mahal.

Hindi 'to pwede. I mean, kailangan kong bumawi sa kanya.

ThirstyWhere stories live. Discover now