68. When I'm with him, I am Thinkin' of You

2K 144 77
                                    

Qm's note: Enjoy the update!

Wayo's POV

"Good morning.."

Nakangiting mukha ni Pree ang bumungad sa'kin nung bumangon ako mula sa pagkakahiga.

Suot pa rin n'ya yung wedding ensemble n'ya from yesterday at mukhang 'di s'ya natulog dahil nangingitim yung mga eyebags n'ya.

"You look tired.. Hindi ka ba natulog?" I asked with my husky-just-woke-up tone.

"I'm fine, wag kang mag-alala sa'kin. Ikaw ang dapat tinatanong ko, kamusta na ang pakiramdam mo Wayo?"

Hinawakan ni Pree ang kaliwang kamay ko at dahil do'y napansin kong nakaswero pala ako ngayon.

Nasa ospital ba kami? O nasa bahay lang nila or something?

Masyado kasing luxurious ang interior design nitong kwarto para sa isang hospital room.

"I think okay na ako Pree. Ano palang nangyari? Nasaan tayo ngayon?"

Wala talaga akong maalala kung paano kami napunta rito dahil nawalan ako ng malay noong inuntog-untog ako ni Kit kahapon.

Ang tanging natatandaan ko lang ay pinipigilan nila si Pree na umalis doon sa venue then na blackout na ako totally.

"Nasa hospital tayo ngayon Wayo, pinatignan kita dahil baka napuruhan yang ulo mo sa mga ginawa ni Kit kahapon. Buti na nga lang at naging maganda yung result ng mga test, it turns out na wala kang fracture at interal bleeding.." Pree explained.

Ohh.. So nasa ospital nga kami ngayon..

Silly me, 'di na ako dapat nag-doubt na hospital room 'tong kinalalagyan namin dahil kakambal ng pangalan ni Pree ang salitang 'luxury'.

"Wala akong fracture or internal bleeding? Eh bakit naka-IV pa ako ngayon? Ano 'to, design lang ganon?" I joked.

Natatawang umiling si Pree sa mga sinabi ko.

"Wala ka ngang fracture Wayo pero slightly dehydrated ka naman daw.. Tell me, ano bang ginawa mo kahapon at na-dehydrate ka?"

This time ay ako naman ang napa-iling dahil bigla kong naalala yung mga struggles ko kahapon.

Seryoso, 'til now ay 'di ko ma-fathom kung paano ko nagawa ang lahat ng mga 'yon.

"Maybe dahil 'di ako nakakain at nakainom all day yesterday. I was so anxious kasi na mahuhuli ako ng mga security staff n'yo."

"You're really something Wayo.." napa-smirk si Pree. "So paano ka ba talaga nakapasok sa venue? I'm impressed at nalusutan mo yung army ni Kit.."

Damn! Speaking of my infiltration, sinuwerte lang talaga ako kaya 'di ako nahirapang pumasok sa venue.

After kasi nung away namin ni Kit the night before the wedding, nagpunta ako sa paborito kong bar para magplano at doon ay nakita ulit ako ni Dj Blaire.

He asked me kung bakit nandoon ako gayong kasal daw ng bestfriend ko kinabukasan.

It turned out na under pala sa agency n'ya yung banda na tutugtog sa kasal nila Kit kaya n'ya alam ang lahat.

Ayun, long story short, nagkwento ako at humingi ng tulong kay Dj Blaire.

Bali nagpanggap akong personal assistant nung banda ka'ya nakapasok ako freely. I disguised myself as a girl kaya walang nakakilala sa'kin.

"Nagpanggap akong babaeng assistant nung bandang kinuha n'yo Pree kaya nakapasok ako. Then nung nasa loob na ako, nag-change disguise ako into a female security." I explained.

ThirstyWhere stories live. Discover now