18. Into the Serpent's Lair

3K 243 183
                                    

QM's Note: Im thinking of holding this story. Nakakatamad kasi sa part ko as writer na ayaw nyong mag-vote. Haha. Yun lang kasi talaga ang reward ko dito. 😅

"Sir? Okay lang po ba kayo?" tanong sakin ng laboratory clerk.

Andito ako ngayon sa hospital.

Kinuha ko yung result ng drug testing na pinagawa ko.

"Okay lang ako." I forced a smile.

"Sigurado po kayo? Kanina ko pa kasi sinasabi na pumirma kayo dito sa logbook pero 'til now po ay 'di nyo pa rin ginagawa."

Ay shit! Oo nga pala!

Nawala sa isip ko.

Medyo wala kasi ako sa wisyo dahil 'di ko pa rin matanggap na negative ang result ko.

"Sorry P'. Nakalimutan ko."

Agad akong pumira sa logbook na nasa harap ko.

"Ayan, okay na po." I gave him an awkward smile.

"Thank you Sir."

Kinuha nya na yung logbook sakin.

"P', pwede po bang mag-tanong?"

"Yes, ano yun Sir?" he answered without looking.

May sinusulat kasi sya don sa logbook.

"Uhm, may alam pa po ba kayong ibang laboratory na nagte-test ng ecstasy?"

Napatingin yung clerk sakin dahil sa tanong ko.

"Meron, sa national reference laboratory. Bakit Sir? Magpapa-second opinion po ba kayo?"

"Ganun na nga po." nahihiyang sagot ko.

Late ko nang na-realize na maling-mali na sa kanya pa ako nagtanong.

Parang pinapalabas ko tuloy na walang credibility 'tong laboratory nila.

Very wrong!

"Ahh okay po sir. Magnu-new sample po ba kayo or gusto nyo pong i-challenge ang result namin?"

Teka! Wala akong na-gets sa terminologies nya.

"Hindi ko po kayo ma-gets P'. Pwede pong pakiliwanag yung 'challenge' na tinutukoy nyo?"

"Ganito nong, ang ibig kong sabihin ay nag-e-expect ba kayo na dapat positive ang result nyo? Kung magnu-new urine sample kasi kayo sa ibang laboratory, baka negative result na rin ang makuha nyo dahil 2-3 days lang nag-s-stay ang drugs sa urine. So ayun, ang best option nyo ay request for retest or challenge para mai-release namin yung urine na binigay nyo nung saturday."

"Nasa inyo pa po yung urine ko nung saturday? Hindi po ba panis na yun? I mean, expired? 'Di ba po 1 hour lang ang validity ng mga urine?" usisa ko.

Napag-aralan kasi namin na dapat ma-test ang urine within one hour dahil maraming biochemical changes na nangyayari dito as time goes by.

"For routine urinalysis yang tinutukoy mong 1 hour validity, nong. Sa drug testing, 15 days ang validity ng urine dahil prinepreserve namin ito for challenge purposes."

Ay ganun pala yun!

So kung if ever na dinaya ang result ko, mapapatunayan talaga dahil same sample ang gagamitin?

Nice!

Medyo naghihinala rin kasi ako na fabricated 'tong negative result ko dahil kay Doc Forth.

Baka kasi inutusan sya ni Kuya Pent dahil magkaibigan sila!

Lakas maka-telenovela no? Faking DNA test result ang peg.

"Ahh ganun po ba? Paano po ba yang process ng challenge na yan?" I asked politely.

ThirstyWhere stories live. Discover now