15. Love and other Drugs

3.3K 231 404
                                    

Qm's note: Nirelease ko na dahil overflowing naman ang comments sa prev chapter. 130 votes / 300 comments for both chap 14 and 15 for next update.

Wayo's POV

"Hindi mo na ba hihintaying magising si Wayo?"

"Hindi na. Baka mamaya pa magising yan eh. May lakad pa kami ni Dad."

"Ahh okay. Ano palang sasabihin ko pag-gising nya?"

"Wala kang kailangan sabihin. For sure naman ay natatandaan nya lahat ng ginawa nya kagabi."

"Okay okay."

"Sige Bo, una na ako. Pakihatid na lang yang kapatid ko samin. Pakibilan mo na rin ng electrolytes drinks dahil siguradong dehydrated yan."

(dwindling footsteps)

Tuluyan nang tumulo yung luha kong kanina ko pa pinipigilan nung narinig kong lumabas na ng kwarto sila Kuya Pent.

Kanina pa talaga ako gising.

It's just pinili ko lang magtulug-tulugan para umiwas sa possible post-sex conversation.

Hiyang hiya kasi ako sa sarili ko.

Wala na akong mukha ihaharap sa kanila.

Ngayon umaga lang ako natauhan sa mga pinaggagawa kong kagaguhan kagabi.

Hindi ko matanggap na basta-basta ko na lang pinamigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko naman mahal.

Nasayang yung virginity ko na sobrang tagal ko iningatan.

Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko ng tao.

Ang masakit pa, wala akong masisi kundi ang sarili ko.

Hindi ako pinilit ni Kuya Pent na makipag-sex sa kanya.

Ako yung nag-initiate, ako yung gumusto.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit naging ganun ang mga galawan ko kagabi.

Basta ang alam ko lang ay conscious ako at ginusto ko talaga.

"Wayo? Gising ka na ba?" biglang nagsalita si P'Rambo.

Hindi pa pala sya lumalabas?

Imbis na sumagot ay nagpanggap na lang ulit akong tulog.

"Wayo wag ka nang magpanggap na natutulog. Narinig kong humihikbi ka."

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.

"Sorry P'Rambo.." I mumbled.

"Sorry para saan?" evident yung pagtataka sa tono nya.

"Sa nangyari samin ni Kuya Pent..."

Naalala ko kasi yung sinabi ni P'Rambo sakin kagabi na mahal nya si Kuya Pent.

For sure ay nasaktan sya dahil kinalantaryo ko ang taong mahal nya.

Naiyak nanaman ako upon realizing that fact.

Napakawala kong kwentang tao.

Bukod sa ang dumi-dumi ko, nanakit pa ako ng damdamin ng iba.

Bakit 'di na lang ako namatay?

"Hindi mo kailangang mag-sorry sakin Wayo. Hindi naman kami ng Kuya Pent mo." sobrang kalmado ng boses ni P'Rambo.

"Pero sinabi mo sakin na gusto mo sya. Sorry P'Rambo. Maniwala ka, hindi ko ginusto yung mga nangyari. Wala ako sa sarili ko kagabi..." I explained between my sobs.

"Shhh... Tahan na. Wala kang kasalanan, okay? Sinabi ko nga sayong gusto ko ang kuya mo pero hindi ibig sabihin nun ay akin na sya. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ikaw ang gusto nya. Walang kaso sakin kung may nangyari sa inyo."

ThirstyWhere stories live. Discover now