12. Darling of the Night

3K 233 287
                                    

QM's Note: 120 votes / 200 comments for next update. Make sure na abot din ang qouta ng last chapter. (nirelease ko lang to dahil namiss ko daily update lol.)

Wayo's POV

'Accounting faculty... Accounting faculty... Accounting faculty...'

Hanggang ngayon ay nag-e-echo pa rin sa utak ko yung announcement ni P'Rambo kanina.

Yes, 'til now ay 'di ko pa rin alam kung paano ko i-a-absorb yung bad news at good news na pinarating nya samin.

'Di ba nga dapat matuwa ako dahil despite sa nangyaring mishap sa engineering boys ay hindi masasayang ang effort namin dahil nakahanap sila agad ng proxy para matuloy ang performance?

Pero bakit 'di ko magawa?

I dunno why pero imbis na matuwa ay napa-paranoid talaga ako.

Ayaw mawala ng gut feeling ko na orchestrated ang mga nangyari.

Tinanong ko kasi kanina si P'Rambo kung paano kami matutulungan ng accounting faculty eh hindi naman nila alam yung mga routines ng sayaw namin.

Ito ang sinagot nya sakin.

Verbatim: "Basta. Wag mo nang isipin yun. Ang mahalaga ngayon ay may partners na ulit kayo."

Oh 'di ba? Sinong naman ang hindi maghihinala at mapapa-isip sa sagot na yan?

Masyadong fishy.

I also feel na 'di pa dyan natatapos ang lahat.

There's more to cum.

Pustahan, isa sa mga kuya ko ang magiging partner ko mamaya. Fight me!

"Ai'Yo! Ai'Yo!" biglang nagsisigaw si Kit habang inaayusan sya ng make-up artist.

"Oh bakit Kit? Anong meron? May emergency ba?"

"Wala naman pero tignan mo 'to!"

Inabot ni Kit sakin yung phone nya.

Mukha ko yung nakita ko sa screen. Ai in picture ng itsura ko ngayon.

Uploaded by Cute Boy Fanpage.

Sa dami nang nagpa-picture at kumuha ng picture ko mula pa kanina ay 'di ko na alam kung sino ang source ng picture na 'to.

"Anong meron dito?" walang ganang tanong ko kay Kit.

"Hindi mo ba napansin yung count ng reactions at shares? Trending ka nanaman Ai'Yo!"

What? Ano raw?

Trending ulit ako?

Agad kong tinignan kung totoo nga ang sinasabi nitong bestfriend ko.

/jawdrop

Anong sorcery ituuu?

Wala pang 1 hour yung post pero libo na agad ang reactions, shares at comments ng picture ko!

"Basahin mo rin yung mga comments Ai'Yo. Pang-international na ang ganda mo!" utos pa ni Kit.

So I did.

Napangiwi ako nung makita ko ang comment section.

Wala akong ma-gets dahil hindi Thai script ang mga comments.

Na-invade ata ng mga middle east people ang university fanpage namin.

"Wala akong maintindihan Kit, puro arabic script ang mga comment dito." I complained.

"Yeah, yan nga ang dahilan kung bakit sinabi ko na pang-international na ang ganda mo Ai'Yo. Mabenta ka sa mga arabo! Hahaha!"

"Ewan ko sayo! Puro ka kalokohan!" hinampas ko ng marahan ang balikat ni Kit.

ThirstyWhere stories live. Discover now