21. Sorry, Bestfriend

2.9K 219 257
                                    

QM's Note: 130votes / 300 comments for next update! Love you all!

Wayo's POV

*Sunday(PM)

Sa wakas at natapos na rin ang review session namin ni Kit ngayong araw!

Time check: Quarter to six.

May two hours pa 'ko para bumili ng pang-regalo kay Oat.

"Kit una na ako. Alam mo na, bibili pa ako ng gift para kay Oat." paalam ko dito sa bestfriend ko.

"Wait lang Ai'Yo, sasamahan kita." sagot nya sakin without looking.

May ka-text/chat ata kasi sya sa phone nya.

"Naku, 'di mo na ako kailangang samahan Kit. Dito ka na lang, reviewhin mo ulit yung mga topic na nahihirapan ka."

"No way! Sobrang sakit na ng utak ko kaka-review! Wala na ba ako karapatang mag-relax?! Sasama ako sayo sa mall!"

Medyo natawa ako sa kinuda nitong bestfriend ko.

Ganun ba talaga kadami ang ni-review namin kaya parang uhaw-uhaw sya ngayon sa luxury time?

Well, 300 slides per subject nga naman ang inaral namin! Haha!

"Sige na nga, isasama na kita." pagpayag ko.

"Yun! Buti naman at naawa ka sa utak ko bestfriend! Dahil dyan, ililibre kita ng merienda mamaya sa mall!" sobrang lalim ng dimples ni Kit ngayon.

"Sus! Wag ako Kit, alam kong 'di naman ang pagpayag ko ngayon ang dahilan kung bakit mo ako ililibre. Ang sabihin mo, gusto mo lang siguraduhin na pakokopyahin talaga kita bukas sa exam!"

"Hahahahaha! Ikaw na talaga Ai'Yo! Kaya sayo ako eh! Hindi lang maganda, sobrang talino pa!"

"Ulul. Wag mo kong utuin. Halika na nga, baka ma-traffic pa tayo. Alam mo namang family day ngayon."

Nag-umpisa na akong maglakad.

Kinuha naman ni Kit ang wallet nya at sumunod na rin sakin.

-few steps later-

"Wait lang pala." huminto si Kit Sa paglalakad.

"Ano nanamang problema?" singhal ko sa kanya.

"Hindi pala ako pwedeng umalis ngayon. Mauna ka na sa mall, susunod na lang ako sayo in 30 minutes."

"Ha? Bakit?" pagtataka ko.

"Si mommy kasi eh, dadaan daw dito sa bahay para magdala ng merienda. Nasabi ko kasi sa kanya kanina na nagre-review tayo."

"Ahh okay. Sige, text or chat ka na lang sakin mamaya kapag nasa mall ka na."

"Sige. Ipapahatid na kita sa driver ko."

"Naku, wag na. Magta-taxi na lang ako."

"Wag na, gagastos ka pa eh. Alam ko namang ginalaw mo yung ipon mo para lang may pambili ka ng regalo sa ex mo."

Medyo nalaglag yung panga ko dahil sa sinabi ni Kit.

Totoo kasi eh!

Seryoso, binasag ko nga yung piggy bank ko para lang may pambili ako ng regalo kay Oat! Haha!

Don't get me wrong! I'm not trying to impress Oat or what.

I've had enough.

Sapat na yung 2x akong nagpakatanga para sa kanya.

Gusto ko na lang talaga sya bigyan ng magandang regalo ngayon kasi birthday nya.

In that way, maipapakita ko sa kanya na hindi na ako bitter at tanggap ko na ang lahat.

ThirstyWhere stories live. Discover now