47. Family Feud

2.2K 217 281
                                    

Qm's Note: 130v / 300c for next chapter! (Yung comments sana na totoo para naman may binabasa rin ako rofl.)

*2 months later (December)

Wayo's POV

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo na 'to, Wayo?" malungkot na tanong sakin ni Doc Beam.

Napatigil ako sa pag-e-empake ng mga gamit ko at napatingin sa kanya.

"Yes Doc, overstaying na kasi ako dito sa bahay mo." I joked to lighten up the mood.

Imbis na matawa, mukhang sineryoso ni Doc ang sinabi ko.

"Yo.. kahit gaano ka pa mag-tagal dito sa bahay ko ay never kong iisipin na nag-o-overstay ka."

Napa-ngiti ako sa sinabi nya.

"Just like what I've expected, never ending talaga ang hospitality mo sakin Doc. Tell me, paano ba kita mapapasalamatan? Gusto mo bang mag-roleplay sex tayo bago ako umalis?"

Nanlaki ang mga mata ni Doc dahil sa sinabi ko.

"Yo! Stop that nonsense!" mabilis na saway nya sakin.

"Hindi ko naman mabiro Doc. HeHe." nag-peace sign ako sa kanya.

"Seryoso kasi Wayo. Hindi ko naman hinahangad na mahalin o i-sex mo ako, alam mo yan 'di ba? Ang tanging hiling ko lang ay mag-stay ka dito sa bahay ko para mabantayan kita. Alam ko naman kasing pag-ganti lang sa mga kuya mo ang gagawin mo kaya ka uuwi sa inyo."

Grabe, napakabait talaga sakin ni Doc.

"Salamat sa concern Doc but I really need to do this for myself. Hindi ako matatahimik hangga't 'di ako nakakaganti sa kanilang lahat."

Napabuntong hininga na lang sya sa sinabi ko.

"Sige. Kung yan talaga ang gusto mo, 'di na kita pipigilan. Basta lagi mong tatandaan na andito lang ako para sayo. Wag kang mag-hesitate na tawagan ako pag nagka-problema ka, okay?"

"Maraming salamat talaga sa lahat, Doc Beam."

Tumayo ako't naglakad palapit kay Doc.

Inakap ko sya nang mahigpit.

•~•~•~•~•~•~•

Pranapong's Residence

"Khun Wayoooo!"

Napasigaw ang katulong noong pinagbuksan nya ako ng gate.

"Sawadee P'." nag-wai ako sa kanya.

Hindi na sya naka-respond sakin. Mukhang 'di nya talaga ma-fathom yung fact na andito na ako.

"P'.." I snapped. "Pakitulungan naman po ako sa mga maleta ko."

Ilang segundo pa ang lumipas until finally ay naka-recover na sya.

"Sorry Khun Wayo.. Hindi lang talaga ako makapaniwala na andito ka na." agad nyang kinuha yung isang maleta ko then naglakad na kami papasok.

"Alam po ba nila Ma'am at Sir na uuwi kayo ngayon?" tanong pa nya.

"Hindi. Andyan ba sila?"

"Naku, nasa work pa po sila. Gusto nyo po bang tawagan ko?"

Umiling ako, "No need. Hapon na rin naman P', hihintayin ko na lang sila."

"Sige po."

-minute later-

"Gusto nyo po bang ipagluto ko kayo ng merienda?" tanong sakin ni P' nung maihatid nya ako sa kwarto.

"Salamat na lang P' pero busog pa po ako. Tawagin ko na lang po kayo if may kailangan ako."

"Sige po Khun Wayo."

ThirstyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora