3. Dance For Me

3.9K 255 328
                                    

Qm's Note: 70 votes / 100comments for next update!

Wayo's POV

"Ai'Kit, kilala mo ba yung lalaking tingin ng tingin sakin kanina? Yung si Eminem este hip-hop boy." tanong ko sa bestfriend ko habang kumakain kami dito sa cafeteria.

Wala na akong pake sa kung anong iisipin nya kung bakit bigla akong nagka-interes don kay hip-hop boy.

If ever na alaskahin nya ako mamaya ay titiisin ko na lang.

Ang mahalaga ay makakuha ako ng basic information mula sa kanya regarding sa target ko este kay Mr. Right.

"Oo, kilala ko sya pero 'di kami close. Oat ang pangalan nun. Nakilala ko sya noon sa isang elite society gathering." walang ganang sagot ni Kit dahil busy sya sa phone nya.

Confirmed! Anak-mayaman nga si hip-hop boy.

"Bakit mo pala natanong?" he added.

"Wala lang." I tried to sound casual.

"I see. Crush ka nun Ai'Yo."

Wait. What?

Tinignan lang ako kanina, crush agad?

Hindi ba pwedeng trip or nagwapuhan o nagandahan lang sakin?

"Paano mo naman nasabi na crush ako nun? Kanina nga lang kami nagkita."

"Ramdam ko lang Ai'Yo. Ikaw kasi ang dahilan kung bakit nya ako nilapitan noon sa party."

Teka teka.

Dahil sakin? Ano raw?

"Hindi kita ma-gets Kit, bakit ka naman nya nilapitan dahil sakin?"

"Teka, ganito kasi yun Ai'Yo. Nilapitan ako ni Oat dahil familiar daw ang itsura ko sa kanya. At first, tinanong nya kung anong course at university ko. Then ayun na nga, nung sinabi ko 'tong university natin ay agad nyang tinanong sakin kung ako raw ba yung bestfriend nung maganda lalaki sa MedLab Science faculty. It seems na admirer mo si Oat from afar."

Medyo nag-loading ako sa mga sinabi ni Kit.

Pag-magandang lalaki, ako talaga agad?

"Baliw ka Ai'Kit! Hindi lang naman ako ang magandang lalaki sa faculty natin. Marami pang iba."

Umiling lang 'tong bestfriend ko sa sinabi ko.

"Meron ngang iba, pero alam naman nating ikaw ang pinakamaganda Ai'Yo. Kaya ayun, inassume kong ikaw talaga yung tinutukoy nya."

Guys narinig nyo yun ha?

The truth has been spoken.

Ako raw ang pinakamagandang lalaki sa faculty namin. Hihi.

"Atsaka sa mga tinginan pa lang ni Oat sayo kanina, hindi pa ba obvious na ikaw yung tinutukoy nya?" dagdag pa ni Kit.

Uhm.

Medyo na-gets ko na kung bakit sinasabi ni Kit na crush ako ni Oat.

Napangisi na lang ako.

Mukhang mapapadali ang pag-bihag ko kay Mr. Right!

Meant to be talaga kami. Haha!

Crush nya ako at gusto ko yung fact na mayaman sya.

Alam kong gold digger ang datingan ko pero wala na akong pake.

Gusto ko lang talaga maging practical sa buhay na 'to.

Atsaka wala naman sigurong mali sa gagawin ko dahil normal na dito sa Thailand ang ganitong kalakaran.

ThirstyWhere stories live. Discover now