14. All You Had To Do Was Stay

3.5K 250 469
                                    

Qm's Note: 130 votes / 250 comments for next chapter. Warning! Long chapter ahead. (Comments are highly appreciated!)

Nilapitan ko si Oat nung inawan sya ni Pop para sundan si Kuya Nick.

"Wayo..." he mumbled.

Apparent sa itsura nya na nagulat syang makita ako.

"Kanina ka pa ba dyan?" dagdag pa nya.

Napangiti ako ng nang mapait dahil sa tanong nya.

Hindi ba obvious na kanina pa ako dito?

Hindi man lang ba nya nahalata na kagagaling ko sa pag-iyak dahil narinig ko lahat ng mga sinabi nya kay Pop?

Oh God! Gusto ko syang suntukin ngayon dahil sa pagtatanga-tangahan nya pero pinigilan ko ang sarili ko.

I need to focus on my foolish plan.

"Yup." I answered briefly.

Napayuko na lang sya dahil sa sagot ko.

Agad ko namang kinuha at hinawakan yung kamay nya.

"Kain naman tayo baby. Nagugutom na kasi ako. Napagod ako kakasayaw." I added.

I even gave him a sweet smile as if walang nangyari.

Yes, ito ang plano ko.

Ang kalimutan ang mga narinig kong sinabi nya kay Pop at umakto na parang walang nangyari.

In other words, I'll fuck my pride for him.

Alam kong katangan 'tong gagawin ko pero wala na akong pakielam.

Wala eh, ayokong mawala sya sakin dahil mahal ko sya.

There's no fucking way na i-give up ko sya dahil lang hindi sya maka-move on sa bestfriend nya.

"Wayo..." he resisted nung sinubukan ko syang hilahin papunta sa direksyon ng mga food booth.

"Why?" I asked nonchalantly.

Narinig kong huminga sya nang malalim bago nagsalita ulit.

"Wayo, I'm sorr..."

Hindi nya naituloy yung sasabihin nya dahil tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya.

"Wag ka nang mag-sorry dahil naiintindihan ko naman ang lagay mo. Sa tingin ko ay naguguluhan ka pa sa feelings mo para kay Pop. Don't worry, I'll help you get over." I explained.

Hinila ko na ulit sya but again, he resisted.

"Ano ba Oat? Pwede bang sumama ka na lang sakin? Kasi eto na ako oh, tinatapakan ko na ang pride ko para sayo. Hindi kita iiwan gaya ng ginagawa sayo ni Pop!"

Medyo nataasan ko yung boses ko dahil sa frustration.

"Wag kang mag-alala, hindi ako galit sayo. Never ko rin isusumbat sayo ang mga narinig ko ngayong gabi. Just promise me that you'll try to love me better." dagdag ko pa.

Umakap na ako sa kanya.

Gusto kong maramdaman nya na totoo ang mga sinasabi ko.

Never ko na-imagine ang sarili ko na gagawin ang bagay na 'to but I don't mind anymore.

I hope na maging worth it ang sakripisyo ko na 'to.

"I'm sorry..."

Bigla na lang nanikip ang dibdib ko nung naramdaman kong inalis ni Oat ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Napakadami ko ng kasalanan sayo Wayo at ayoko nang dagdagan pa yun. Sa tingin ko mas okay kung maghiwalay na tayo. Sorry talaga, maling-mali ako na gamitin ka para maka-move on kay Pop."

ThirstyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt