41. Obsessed

2.5K 209 329
                                    

Qm's Note: 130v and 300c for next chap!

Kit's POV

-phone conversation-

"Sumagot na ba yung lalaki sa message mo?" tanong sakin ni P'Nick noong sinagot ko ang tawag nya.

"Hindi pa P'. Mukhang hindi ata active yung lalaki sa social media, 4 days ago pa kasi sya last online."

"I see.. Kung hanggang bukas ay hindi pa rin sya magre-respond sa mga messages mo, I suggest na mag-proceed na tayo sa Plan B: i-report na natin sya sa mga police."

Napangiwi ako sa sinabi ni P'Nick.

Sa tingin ko kasi ay bad idea yung gusto nyang mangyari.

"P'Nick.. chill ka lang muna. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos sa mga moves natin. Aware ka naman sa social status ng mga Thanatsaran 'di ba?"

"Alam ko at wala na akong pakielam. Ang mahalaga na lang sakin ngayon ay mahanap na natin si Wayo."

Kaloka.

Minsan talaga napapa-tanong na ako sa sarili ko eh.

Kapatid lang ba talaga  ang turing ni P'Nick kay Wayo?

Pareho kasi sila ng asta ni P'Pent towards my bestfriend.

"Chill P'Nick.." I reiterated. "Trust me, mas okay talaga kung makaka-usap muna natin yung guy bago tayo gumawa ng move."

"Pero pagod na akong maghintay Kit. Fucking 3 months na tayong naghahanap!"

"I feel you P' but I still suggest na maging patient pa rin tayo. Nga pala, nahanap ko na rin yung IG nung isa pang lalaki na kasama ni Wayo. Bestfriend pala sya nung Thanatsaran guy."

"Whoa.. Talaga? Anong pangalan nya?"

Ayun!

Mukhang na-distract na si P'Nick dahil sa information na sinabi ko.

"Drake Laedeke. Private ang profile nya. I'll message him asap kapag inaaccept na nya ang follow request ko."

"Sige-sige. Salamat Kit, maasahan ka talaga."

"Walang anuman P'. Babalitaan kita agad kapag nag-respond na yung dalawa. Chill ka na lang muna, okay?"

"Mahirap yang sinasabi mo Kit but I'll try. Maraming salamat ulit."

"Asahan ko yan P', ha? Baba ko na 'tong phone. Nagluluto kasi ako ngayon."

"Sige-sige. Sorry sa abala.."

-end of call conversation-

Pagkabulsa ko ng phone ko ay saktong tumunog ang timer ng oven.

Yay!

Luto na ang monthsary cake namin ni Pree.

Agad kong nilabas sa oven yung carrot cake para palamigin.

Perfect!

Ready to eat na 'to mamaya kapag dating ng fiancé kong mahal.

*hour later

"Wow! Anong meron? Ang dami mo atang niluto ngayon babe."

Evident yung pagkagulat ni Pree nung dumating sya dito sa dining room ng 'future' house namin.

"Nakalimutan mo?" I asked casually.

Hindi ako galit kung nakalimutan man nya na monthsary namin ngayon.

Napaka-busy kasing tao ni Pree, madalas ay nakakalimutan na nya ang mga bagay-bagay.

"I think so.. anong meron babe?"

ThirstyWhere stories live. Discover now