26- A Typical Day with My #1 Fan

2.7K 209 335
                                    

Qm's Note: 130V / 300C for happy life!

Wayo's POV

"Totoo bang sa Singapore tayo magla-lunch?" tanong ko kay Kit na kalalabas lang ng classroom.

Hanggang ngayon kasi ay 'di ko pa rin ma-absorb ang mga sinabi sakin ni Ming kanina.

Like seriously, sino namang pupunta sa ibang bansa para lang kumain ng lunch?!

"Totoo Ai'Yo." he confirmed. "Dala mo naman yung passport mo 'di ba?" tanong pa nya.

"Dala ko nga..."

"Ayun! Buti naman at dala mo. Ano, tara na?"

Maglalakad na sana si Ming at Kit pero pinigilan ko sila.

"Wait. 'Di ako pwedeng sumama sa inyo." I  said matter-of-factly.

"Ha? Bakit 'di pwede? Don't worry, wala kang gagastusin dito Ai'Yo. Libre 'to lahat ni Pree." paliwanag ni Kit.

"Oo nga, sayang naman Wayo kung 'di ka sasama." pagsang-ayon ni Ming.

"Gusto ko talagang sumama sa inyo. Ang problema lang talaga ay grounded ako ngayon. Dapat by 6PM ay nasa bahay na ako."

"Ahh yun lang ba? Don't worry Ai'Yo, by 6PM ay nasa bahay ka na." Kit assured.

"Kakain lang naman tayo at lilibot saglit sa Singapore tapos uuwi rin tayo kaagad. Hindi tayo mag-o-overnight dahil may exam pa 'tong si Ming bukas." paliwanag pa nya.

Oh I see.

So literal na magla-lunch lang talaga sila sa Singapore.

Iba talaga ang trip ng mga elite people no?

Ang sarap maging mayaman!

"Sure yan ha? Ayokong mapagalitan ulit ni Dad."

"Yes, sure 'to. Ano tara na?"

"Okay. Let's gooo!"

Naglakad na kaming tatlo papunta sa parking lot ng faculty.

•~•~•~•~•~•

Sa kotse ni Ming ako sumakay dahil two-seater lang ang dalang kotse ni Kit.

On the way na kami ngayon sa airport.

"Bakit ang saya-saya mo ata?" tanong ko kay Ming.

Kanina pa kasi sya ngiti ng ngiti habang nagda-drive.

"Kasama kita eh..." mabilis na sagot nya.

Amf. That caught me off guard.

"Baliw." hinampas ko nang marahan ang well-developed na braso nya.

Tigas mga beshy.

"Baliw? Hindi ah. Natural lang naman na maging masaya kapag kasama ng fan ang idol nya 'di ba?" he explained.

"Ewan ko sayo. Nagpa-fanboy ka nanaman!"

"Hahahaha. Totoo nga Wayo, pero may isa pang dahilan kung bakit masaya ako ngayon."

"Ano naman yun?"

"Dahil partner kita ngayon. I mean, may kasama ako. Noong summer kasi, nagmukhang 3rd wheel ako kay Pree at Kit sa Sydney."

Ohhh. Kaya naman pala.

Mahirap ngang maging 3rd wheel.

Puro inggit at bitterness lang ang mararamdaman mo. Haha!

"Gets ko na. Pero bakit ba kasi sama ka ng sama kay Pree? I mean, ayaw ko kasi ng 3rd wheel feels. There's no way na sumama ako kay Kit kapag may date sila ni Pree unless may kasamang iba. Tulad ngayon, kasama ka naman kaya okay lang sakin."

ThirstyWhere stories live. Discover now