43. Silicone Saline Poison, Inject Me

2.6K 235 314
                                    

Qm's Note: 130V 300C for nxt update!

Please don't forget to follow todpranapong.ph @ IG and FB. (Finafollow ni Tod ang mga acount na yan, ipakita natin sa kanya na marami syang PH fans. 😘)

*a week passed

Frank's POV

Nagsisisi na ko't kinulit ko pa kagabi si Yo na i-kwento nya sakin ang past nya.

Ito tuloy ako ngayon, ni-hindi ko magalaw ang breakfast ko dahil 'di mawala sa isip ko yung mga nalaman ko.

Hindi ko akalain na ganun ka-dark ang past nya.

Yo was mentally, emotionally and sexually abused.

Now it makes sense kung bakit ganun kalala ang trust issues nya at pagkawala ng self-worth.

It makes me furious and afraid at the same time.

Galit ako sa mga taong gumago kay Yo at natatakot sa fact na baka 'di na talaga nya ako papasukin sa puso nya.

Hays.

"Mukhang ang lalim ng iniisip ng babyboy namin ah."

Agad akong napatingin sa taong nagsalita dito sa dining room.

Si Kuya Saint!

"Kuya!! Kailan ka pa dumating?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya!! Kailan ka pa dumating?"

Tumayo ako para yakapin ang elder brother ko.

Na-miss ko 'tong ogag na 'to!

Sa Harvard kasi sya nag-aaral, every 2 years lang sya umuuwi dito sa Bangkok.

"Kaninang madaling araw lang." he uttered.

"Ganun? Bakit 'di mo man lang ako sinabihan na uuwi ka pala? Nasundo man lang sana kita sa airport."

"Susunduin mo ko? Bakit? May kotse ka na ba? Pinayagan ka na ba nila dad na mag-drive?"

"Naman! 18 na kaya ako!"

Kumalas na si kuya sa yakapan namin then iniscrutinize nya ako mula ulo hanggang paa.

"18 ka na sa lagay na yan? Bakit bansot ka pa rin?"

Amf.

Walang pagbabago, puro kagaguhan pa rin talaga ang alam nitong kapatid ko!

"Bansot pa rin para sayo ang 6 foot? Maghintay ka lang, aabutan ko rin yang 6'2 na height mo!"

"Hahahaha! Asa ka pa babyboy." ginulo nya ang buhok ko na para bang bata pa talaga ako.

"Kuya! Wag mo na ko tawaging babyboy, 'di na bagay!" saway ko sa kanya.

"Why not? Height lang naman ang nagbago sayo pero mukha ka pa ring baby. Hahahaha!"

"Ulul! Gutom lang yan kuya. Halika, saluhan mo akong mag-breakfast."

Bumalik na ako sa seat ko then umupo naman si kuya sa tapat ko.

ThirstyWhere stories live. Discover now