49. No, It's Just The Beginning

2K 202 189
                                    

Qm's Note: 130v and 300c for next update. Enjoy the early update! Love yah all!

Wayo's POV

Pagdating ko sa floor ng penthouse ay sinalubong ako ng may edad na lalaki.

Kung 'di ako nagkakamali ay sya yung secretary ni Pree.

"This way, Khun Wayo." nakangiting bati nya sakin.

Ngumiti din ako sa kanya then nag-umpisa na kaming maglakad.

After 5 seconds walk ay dumating na rin kami sa foyer ng penthouse.

Kinatok nya muna ang pinto bago 'to binuksan, "Pwede na po kayong pumasok, Khun Wayo."

"Thank you." nag-wai ako sa kanya then naglakad na papasok sa loob.

Napa-mouth na lang ako ng 'wow' nung makita ko ang loob ng office ni Pree.

Yung totoo?!

Office ba 'to o luxury hotel room?

I swear, hindi mafi-feel na office 'to dahil sobrang luxurious ng interior design at furnitures. May dining area at L-type wet bar pa nga eh!

"Wayo.." nakangiting bati sakin ni Pree.

Ngayon ko lang sya napansin dahil medyo sequestered yung kinalalagyan ng office table nya.

"Pree." ngumiti rin ako at nag-wai sa kanya. "Naabala ba kita?"

"No, not really. Sorry pala sa nangyari sayo sa baba, hindi naman kasi nabanggit sakin si Kit na pupunta ka pala dito."

After magsalita ni Pree ay nag-gesture sya na maupo raw ako sa seat sa harap ng table nya.

So I did.

"Okay lang." I assured him. "Kasalanan ko rin naman dahil 'di ako nagbigay ng prior notice sa inyo ni Kit."

"Ohh.. By the way, ano palang sadya ng maganda bestfriend ng fiancé ko dito?" nag-smirk sakin si Pree.

Ay!

Enebebesh.

Hindi pa ba given na maganda ako? Kailangan pa talaga ipangalandakan? HeHe!

Pinigil ko ang ngiti ko bago sumagot sa tanong nya, "Uhm I came here para makibalita sa case ng scandal ko. Pwede ko bang maka-usap ang mga tao mo at mga police na involved sa kaso ko?"

Biglang naging seryoso ang expression ni Pree nung marinig ang sadya ko.

"Ayaw na sana talaga kitang abalahin Pree pero 'di kasi masagot ni Kit ang mga tanong ko. I just wanna know kung dapat naba akong sumuko sa laban na 'to, medyo may katagalan na kasi tapos parang walang progress." dagdag ko pa.

"Hmm.. of course pwede mo silang kausapin Wayo. Gusto mo bang ipatawag ko silang lahat? O gusto mo na lang basahin ang mga reports nila sakin these past months?"

"May copy ka ng mga police report?"

"Meron. Compiled reports 'to ng mga police at mga tao ko. Gusto ko kasi well-documented ang case mo para ma-review ko rin ng mabuti."

"I see. Yan na lang ang titignan ko, ayoko ng abalahin ang mga tao mo."

"Sure." yumuko si Pree at may kinuha sa drawer ng desk nya.

"Ito Wayo." may inabot sya saking folder.

Agad ko naman 'tong kinuha at nag-wai sa kanya, "Thank you Pree."

"No problem. Ano palang gusto mong beverage? Ikukuha kita habang nagbabasa ka."

"Naku wag na.. nakakahiya na masyado sayo." I declined his offer.

ThirstyWhere stories live. Discover now